Nagmamadali na ang mga young drama star ng Kapuso network na mag-mature at ipakita sa mga netizen ang potential nilang maging sexy star. At isa na rito ang magandang si Kim Rodriguez.
Tila handa na ang dalaga na sumakay sa sexy bandwagon sa muli niyang pagpapasilip ng kanyang alindog.
Sa kanyang Instagram post kung saan nakatayo si Kim sa isang veranda overlooking the panoramic view ng dagat, nakasuot ito ng strappy black bathing suit.
Hindi handa sa kanyang shot si Kim dahil sa awkward posing niya at sa facial reaction niya.
Pero hindi naman naging kabawasan ‘yun para hindi mapansin ng kanyang mga following ang kanyang alindog.
Biruin mo, hindi pa handa sa pictorial si Kim pero litaw na litaw na ang kanyang kaseksihan. What more kung nag-emote pa ang dalaga sa kanyang pagkakapuwesto?
May pangako nang pagpapainit ng dugo ng mga kalalakihan ang pigura ni Kim. Katakam-takam ang kanyang dating.
Baka dumating ang panahong siya ang magiging primera bombera ng GMA 7.