tonite-imo-vinia-vivar
May bathtub scene si Kim Chiu with JC de Vera sa Metro Manila Film Festival movie niya na One Great Love under Regal Films. In fact, ang eksenang ito ang isa sa ikinagulat ng marami sa inilabas na official trailer ng movie.
Pero sey ni Kim, marami pa raw ikagugulat ang manonood sa movie.
“Marami kayong kagugulatan pero lahat ‘yun, nangyari siya dahil may dahilan, saka kailangan sa eksena,” sabi ni Kim in her latest interview na lumabas sa abs-cbn.com.
Paliwanag pa ni Kim, wala sa script ang kissing scene niya with JC sa bathtub.
“Actually, wala sa script ‘yung bathtub scene na ‘yun. Ang ganda lang ng bathtub du’n sa yate,” natatawang sabi ni Kim
“So, sabi ni direk (Eric Quizon), ‘go bago dumilim!’ Maganda naman ng kinalabasan and then, excited na kaming lahat,” dagdag pa niya.

Sharonian nairita kay Lucy

Sa kanyang Instagram post ay ipinahayag ni Sharon Cuneta na maaaring last movie na nila ni Richard Gomez ang Three Words to Forever. Kaya nga inaanyayahan na niya ang lahat ng mga fan nila na manood.
“THANK YOU SO MUH FOR WATCHING OUR MOVIE!!! Time has flown by. It shall continue to.
Please watch this film. Not just because it’s beautiful but because it MIGHT (might only) just be Richard’s and my last one together. Unless there’s a beautiful love story that comes along. Or whatever,” post ni Shawie.
Sa comment section ay may netizen na nag-comment na marami raw sa mga fan ni Sharon ang nadismaya sa wife na bagama’t hindi tinutukoy kung sino, obvious na si Lucy Torres ito na asawa ni Richard.
“We can’t deny na some things dismayed the many fans of mega…and affected promo.
“One issue. Read the posts of wife! All about throwback about their marriage, their family photos etc. while husband was filming and promoting!
“My friends and I thought it was so annoying and irritating.
“Naawa ako kay mega who was all out sa promo on her ig,” komento ng isang netizen.
May umayon namang netizen at aniya, okay lang daw sana kung walang pino-promote na movie. Samantalang si Sharon daw ay never na ginawa na nag-post ng family while promoting the film.
Well, wala namang kinalaman kasi si Lucy sa movie at puwede naman siyang mag-post ng kahit anong gusto niya sa kanyang IG page.

Kris Bernal gusto nang pakasalan ng dyowa

Puring-puri ni Rayver Cruz ang leading lady sa Asawa Ko Karibal ko na si Kris Bernal dahil sa pagka-business minded nito. Kuwento ng aktor, sa taping nga raw nila ay laging nagbebenta ito ng kung ano-ano sa kanya.
“Ang galing ni Kris talaga. ‘Yan ang idol ko kasi bukod sa magaling na aktres, businesswoman talaga. Pagdating sa set, nagbebenta pa rin siya,” sey ni Rayver.
Mahilig talagang magnegosyo si Kris. May restaurant na nga siyang naitayo at maglo-launch siya ng lipstick ngayong December.
Kaya naman hindi kataka-takang makabili siya ng bahay sa US.
Sa kasalukuyan ay nasa US nga ang aktres at panay ang post niya ng kanyang mga larawan sa Instagram.
Nakatakda siyang bumalik ng ‘Pinas sa December 11 at biro nga ni Rayver, hindi raw puwedeng matagal na mawala si Kris dahil magsa-suffer ang ratings ng Asawa Ko, Karibal Ko.
Kasama rin ni Kris sa US ang mom niya at boyfriend na si Perry Choi at marami na nga ang nagtatanong kung may plano na silang magpakasal.
Pero ayon kay Kris ay wala pa raw dahil marami pa raw siyang gustong gawin.
Gusto na raw ng BF niya na magpakasal pero naiintindihan naman daw nito na nag-e-enjoy pa siya sa kanyang trabaho.  “Hangga’t gusto ko pang mag-work, hindi niya papakialaman ‘yun. Maghihintay siya. Oo, sobrang bait nu’n,” sabi ni Kris.