Kim, napa-OMG sa batibot ng BF

Kim Domingo
Luis Manzano
Luis Manzano

NATAWA na lang si Vhong Navarro sa isyung NAGKAAGAWAN sila ng role ni Luis Manzano.

Si Vhong kasi ang napiling magbida sa aspiring MMFF 2016 entry na Mang Kepweng Returns.

Eh ayon kay DJ Durano na dating nobyo ni Direk Wenn Deramas, nakuha ng Viva Films ang rights ng Mang Kepweng at si Luis Manzano ang magbibida rito, na si DJ ang magiging sidekick.

Wala na si Direk Wenn kaya wala nang balita sa project na ‘yon na sinasabi ni DJ.

Actually, clueless si Vhong nang itanong namin ito sa kanya nang bisitahin namin ang set ng Mang Kepweng Returns sa Bulacan.

Noon niya lang nari­nig ang isyu.

“Hindi ko nga alam ‘yun, eh. Ako po kasi, kinuha lang ng producer.

“Syempre, isang mala­king blessing ang project na katulad ng Mang Kepweng.

“Kami naman ni Direk Chito (Roño, manager niya), nilapit lang sa ito amin. Si Nanay Cristy (Fermin) ang tumawag sa amin na may gusto raw gumawa ng Mang Kepweng at ako raw ang napili.

“At saka si Luis, kaibigan ko si Luis, eh. Kahit si DJ,” pakli ni Vhong.

Nabanggit ba niya kay Luis na may gagawin siyang Mang Kepweng movie?

“Hindi, kasi ngayon ko lang nalaman na meron din daw offer kay Luis,” natatawang sey ng dancer-comedian.

***

Kim Domingo
Kim Domingo

Sobrang happy, excited at unexpected ni Kim Domingo na siya ang napiling leading lady ni Vhong Navarro sa pelikulang Mang Kepweng Returns.

Doon sila unang nag-meet sa set ng mo­vie sa Bulacan dahil hindi nakapunta si Kim sa storycon. Ang impression niya kay Vhong ay mabait at sobrang approachable.

Bale second movie ito ng Kapuso sexy star na unang lumabas sa indie film na Magtanggol bilang partner ni Tom Rodriguez.

Isang model na mahirap ang role ni Kim sa Mang Kepweng Returns, na super relate siya dahil sa totoong buhay ay galing siya sa hirap at sa pagmu-model siya nagsimula.

Dayalog sa amin ng 21-anyos na dalaga, happy pa rin sila ng nobyo niyang si Michael Acuña.

Inaamin niyang masyado ito kung mag-express ng feelings sa kanya sa social media, kaya sinabihan niya si Mike na huwag masyadong ganu’n dahil marami ring fans ang nagrereak.

Two months pa lang silang mag-on ng da­ting basketball player na nag-showbiz din noong araw.

May nagawang direct-to-video si Mike, tapos recently ay balitang meron itong kumakalat na Batibot Bidyo.

Natawa si Kim at ang sabi ng tisay na bombshell, hindi niya inaalam kung totoo ‘yon. Kung meron mang ganu’ng video ang BF niya ay past na ‘yon nito.

Nang sabihin naming BONGGA ang dyowa niya ayon sa mga nakapanood ng wank vid nito ay napa-“Oh my God!” si Kim at panay ang tawa.

Laugh ulit siya nang hiritan namin na ang suwerte niya pala dahil GIFTED ang hunky boyfie niya.

Actually, naiinggit ang mga bading sa kanya habang naglalaway-laway sa boyfie niya.

“Ay, hindi ko alam ‘yon! Ha! Ha! Ha!” tawa ng kapareha ni Vhong, na hindi kilala ang karakter ni Mang Kepweng dahil 1995 daw siya ipinanganak.

Ang isa pang latest kay Kim ay recording star na rin siya. Kahapon ay ni-release ang debut single niya sa GMA Records na Know Me.

Ang sabi niya sa amin ay hindi kagandahan ang boses niya, pero kumakanta siya.

Sana raw ay mag-viral ang song niya, na kakantahin niya sa kanyang out of town shows.

In fairness ay pinagkaguluhan ng mga fans na gustong magpapikyur doon sa Bulacan ang French-Pinay beauty, na napapanood sa GMA Telebabad bilang hot mistress ni Dennis Trillo sa Juan Happy Love Story.