Kim palaban sa mga barubal

NI:MILDRED A.BACUD

Matapos ang Laban Kapamilya online campaign ay pinutakti ng mga basher si Kim Chiu. Wala raw saysay na pagpapaliwanag niya ng batas.

Matapang naman na sinagot ni Kim ang mga bumabarubal sa kanya ngayon. Hindi siya tinatantanan.

Sabi ng isang netizen atupagin na lamang daw ng aktres ang pagwo-work out na tulad ng mga pinopost niya sa IG niya. Dito naman daw magaling si Kim kaya naman umimpis ang utak.

Resbak ni Kim, “Sa dami ng sinabi ko!Dalawang oras kami nagsasalita do’n, yun lang ang napick up mo? Mas low ka pala sa akin eh.Di naman kita kilala pero kung makapagsalita ka!Sobra ka!Ikakaproud ba ng nanay mo yung sinabi mo?”

Isang netizen pa ang matapang na nagcomment na, “Dapat ko siguro i-work out ang utak mo, l___e ka!

Matapang na sagot ni Kim, “Grabe ka naman ate.Inaano po kita para magmura ka ng ganyan? Grabe ka naman.Sinaktan ba kita para magsalita ka ng ganyan.Grabe ka naman.Preno preno rin.”

May nagkomento pa na huwag na daw mag-english si Kim.

Pakli ng aktres, “Eh gusto ko eh.Bakit anong problema?Marunong naman ako kahit paano.Bakit ka nanood? baka kasi hindi mo naiintindihan!!!

May isang netizen naman ang nagbalik sa isyu ng pagkaka-ambush ng aktres. Post nito, “Totoo ba na na-ambush ka o drama lang po yun?”

Buwelta ni Kim, ” I dont want to explain myself more.Pero logic is itataya mo ang buhay mo para sa “drama”Kung kayo nasa lugar ko?Palibhasa gusto niyo may mamatay eh para maniwala kayo.Pero ang pamilya ko lubos na nagpapasalamat sa Dyos na walang nangyari samin.Kayong makikitid ang mga utak, ilagay niyo sa sarili niyo sa posisyon ko.Dun nyo simulan mag-isip.”