NAKU, Manay Lolit (Solis)! nakatsikahan uli namin ‘yung source namin na malapit kay Kim Rodriguez at ayon dito, sinabi mismo sa kanya ng GMA 7 contract star na sinabi rito ni Cavite Vice Governor na hindi sila nagkabalikan ni Jodi Sta. Maria.
Pinanindigan din daw ni Kim sa source namin na talagang nanliligaw sa kanya si Jolo, huh!
Teka! Manay Lolit, talaga bang dumalaw si Jolo sa amang si Bong Revilla (na nakapiit pa rin sa Camp Crame) kasama si Jodi kamakailan?
“Eh, dumalaw naman talaga, so, ang alam ko, nagkabalikan sila,” sey ni Manay Lolit, na wala namang violent reaction dahil sanay na yata sa image ng mga Revilla (Bautista) na may pagka-playboy, ‘noh?!
Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, magpapakasal sa Cebu?
Anyway, iniba ni Manay Lolit ang topic ng usapan namin at natuon ‘yon sa napanood niya sa episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E! international cable channel noong Lunes nang gabi.
“Teka! Talaga bang magpapakasal sina Annabelle (Rama) at Eddie (Gutierrez) sa Cebu? ‘Yon kasi ang napanood ko sa show nila noong Monday.
“May plano yata silang magpakasal at sa Cebu nga.” pangungulit sa amin ni Manay Lolit.
“Bakit kailangan pa nilang magpakasal uli, eh, hindi ba nagpakasal na sila noon sa Amerika?” pangungulit sa amin ni Manay Lolit.
“Ang alam ko, Manay Lolit, ‘yon ang pangarap ni Tita Annabelle (ang magkaroon sila ng renewal of vows ni Tito Eddie), pero hindi ko alam kung pangarap din ‘yon ni Tito Eddie, huh!” sagot ko naman at sabay kaming nagtawanan ni Manay Lolit.

After ng tsikahan namin ni Manay Lolit kahapon, tinawagan namin si Tita Annabelle.
“Tita, nangungulit si Tita Lolit sa napanood niya sa It Takes Gutz. Totoo ba na magpapakasal uli kayo ni Tito Eddie sa Cebu?” pang-uusisa ko sa Gutierrez matriarch.
“Hahaha! Nasa bank ako, tawagan na lang kita mamaya,” natatawang sagot sa amin si Tita Annabelle na parang umiwas, huh!
Tama kaya ang duda namin na si Tita Annabelle lang ang may gustong magkaroon sila ng renewal of vows ni Tito Eddie dahil noon pa niya ‘yon pinaplano, pero hindi matuluy-tuloy?
Atom, tinapatan ang perang inilabas ni Vicki Belo
In fairness, pinag-ipunan pala ng newly-wed na sina Cristalle Belo at Justin Pitt ang kasal nila noong Huwebes sa Lake Como, Italy, pero hindi pala pumayag ang pamosong beauty doctor mom ng bride, si Dra. Vicki Belo, na pagastusin ang dalawa.
Pinagsabihan ni Dra. Vicki ang anak at si Justin na itabi na lang ang naipon at siya na ang bahala sa gastos sa kasalang ‘yon.
Hindi pumayag si Atom Henares, ang tatay ni Cristalle, na ang estranged wife lang ang gumastos sa kasal ng bunso nila, kaya kung magkano ang inilabas ni Dra. Vicki, ‘yon din ang inilabas ni Atom, kaya lalong naging bonggang-bongga

ang kasal na ‘yon.
‘Yung Mexican wedding photographer na lang daw na si Jose Villa ay kabilang sa Top 10 Wedding Photographers in the World, huh!
Syempre, ang anak nina Dra. Vicki at Dr. Hayden Kho, Jr. na si Scarlet Snow Belo ay masyadong pinagkaguluhan sa nasabing kasal at center of attraction ito ng lahat dahil sobrang cute at biba!
***
Dahil Inglisero at tisoy (German ang kanyang tatay), marami pala ang nag-aakalang lumaki sa abroad ang The Voice Kids season one finalist na si JK (Juan Karlos) Labajo ay lumalapit sa kanya at ini-English siya at sinasabing, “Hey, Joe, how are?” dahil akala ay Amerikano siya.
Natatawa na lang si JK dahil laking-Cebu siya.
“Noong una po, hirap kasi akong mag-Tagalog dahil nahahalata ‘yung pagka-Cebuano ko, kaya mas nag-i-English po ako, kaya akala po siguro laking-abroad ako. Pero ngayon naman po, nag-improved na ang Tagalog ko,” sabi ni JK.
Excited si JK sa pagsasama nila nina Jason Dy (The Voice season two grand winner) at Klarisse de Guzman (The Voice season one first runner-up) sa One Voice concert na gaganapin sa Music Museum ngayong Okture 1.
AYUSIN N’YO GINAGAWA NYO! MALI ANG PICTURE! DI SI ATOM ARAULLO! PATI KAMI DINADAMAY N’YO SA KATANGAHAN N’YO!
hindi si jun lalin ang mali dyan. di naman siya kumukuha ng picture para i-publish. syempre yung editor na nag-e-edit at nagsasara ng pahina. iyon ang tanga! ano ba naman kayo! baka may web editor sila o web department bukod sa editor ng actual paper. iyon tanga rin yun!
Ang Tanga naman yan ang Media may maisulat Lang porket Atom nilagyan mo na ng atom araullo…
Si Jun Lalin nagsulat niyan. You mean TANGA si Jun Lalin? lol. Lagot ka sasabihin noon basher ka niya.
jun, atom henares hindi atom araullo ang tatay ni cristalle.
Lagi namang mali magbalita yang si Jun Lalin eh. Super duper talino kasi. Tapos sasabihin bina-bash siya. lol.
Magtaka ka pa eh bayaran yan ng mga gutierez.. basta may maisulat lang..
Anong kinalaman ni atom araullo sa pamilya ni belo?! Hahaha
hahaha yon nga