Kim, puring-puri ang kabaitan ni Heart

heart-kim
                 HEART at KIM

NAGING daan ang Kapuso show na Juan Hapy Love Story para maging chummy-chummy sina Heart Evangelista-Escudero at Kim Domingo.

Puring-puri ng Kapuso sexy star ang kabaitan ni Heart.

“Isa siya (Heart) sa mga napaka-down to earth na artistang nakatrabaho ko. Super-kalog siya kaya masarap siyang kaeksena at katrabaho,” dayalog ng tisay na dalaga.

Si Heart ay nabaitan din kay Kim at natuwa siya na walang arte si Kim sa mga eksena.

Thankful din si Heart na part ng naughty comedy series nila si Kim dahil ito ang panlaban sa sexy scenes na hindi niya kayang gawin.

Maraming nagsasabing kahawig ni Kim si Gretchen Barretto, na ikinaka-proud ng 21-anyos na dalaga.

Ang kapuwa niya tisay na si Marian Rivera ang showbiz idol ni Kim, na okey lang naman siguro kay Heart.

Final week na ng primetime show nina Heart at Dennis Trillo.

Matatapos na lang ito ay may pasabog pa si Agatha (ang kabit na karakter ni Kim) dahil buntis ito at si Juan (Dennis) daw ang ama, na siyempre ay ikinalukring ni Happy (Heart)!

Bad timing pa dahil nakabalik na ang bagets na si Katkat (Leanne Bautista) kina Juan at Happy.

Ito na kaya ang muling sisira sa masayang pagsasama nila?

Hanggang Biyernes na lang ang Juan Happy Love Story, na next week ay papalitan na ng Someone to Watch Over Me sa GMA Telebabad.