Kim Reyna ng Pandemya

NI: ALWIN IGNACIO

Kung bakit naging isang malaking payanig ang Classroom song ni Kim Chiu, ang mga basher at hater niya ang may sala.

Yes, oh yes, sila ang dapat sisihin. Bawal ang maang-maangan school of acting. Kung hindi siya inaglahi at niratrat, eh di hindi niya sana ginawang kanta ang kanyang kabalbalan. Kahit siya nga hindi niya maunawaan ang kanyang hanash at kuda pero ngayon, intinding-intindi na niya lalo kasi mas dumami ang datung niya, hindi ba naman?

Pati ang t-shirts bumenta like sold ube cheese pandesal. Kahit ano pang paratang ang ibinabato sa dalagang minamahal ni Xian Lim, it turns to gold. Hindi niya lang nalulusutan, napapatunayan niya pang she is that innocent sa mga bagay-bagay.

May nagsasabi na sinasadya ni Chui-chay ang kanyang mga hindi kadaliang maarok na mga aria .Gamit na gamit daw niya ang kanyang social media platforms para mapag-usapan.

Sa mga inggit na inggit at tila ginawa na ang lahat para i-discredit si Kim, sana man lang mapantayan niyo ang kanyang charitable efforts ngayong pandemya season.

Babalik na sa ere ang “Love Thy Woman” kaya siguradong ang brigada ng mga dalahira at barangay katkatera magiging instant television critics. Lalaitin at pupulaan na naman nila ang pag-arte ni Chiu sa drama.

Juice colored! Nakaligtas nga sa true si Kim sa clear and present danger matapos ratratin ang kotse niya na magpasahanggang ngayon unsolved mystery pa rin, hindi na siya tatablan sa ngawa at talak niyo na siya ang weakest acting link.

Hindi lang naman siya, isama niyo na rin sa equation si Xian Lim na laging Johnny come lately ang pagtatanggol sa babaing kanyang minamahal.

Ready, willing and able na nga itong si Chiu na magpakasal kay Lim, si Alexander kaya, does he feel the same way?

Kaya, kung si Kim Chiu ay tatanghaling Reyna ng Pandemya o kaya ay Quarantine Queen, may masasabi pa kayo?

Si Regine Velasquez-Alcasid kaya ang uriratin natin tungkol sa mas nararapat na title kay Kim lalo na nga’t all out ang pagtatanggol niya sa dalagang balingkinitan. Close pala sila, huh!