ROMMEL PLACENTE: Napanood namin ang pelikulang One Great Love na bida si Kim Chiu.

Maganda ang movie, nagustuhan namin ito. At ang husay dito ni Kim at maging ng isa niyang leading man na si Dennis Trillo, kaya nga ito ang tinanghal na Best Actor sa katatapos lang na MMFF Awards Night.

Si Kim, hindi man pinalad na magwagi as Best Actress, at least pinuri pa rin talaga ang akting niya rito. Nakakalungkot lang na sa kabila na maganda ang pelikula ay hindi ito tinangkilik ng publiko. Ito nga raw ang kulelat sa takilya nu’ng first day ng MMFF.

At pinull out na nga ito sa ilang mga sinehan. Sana ay panoorin ito ng tao para malaman nila na talagang maganda ang pelikula. Bakit kaya ang mga quality film ay hindi pinapanood? Siguro nga, mas gusto ng mga tao ng masasayang pelikula, na gusto nilang na ma-entertain kesa umiyak para makalimutan panandalian ang mga personal na problema. Kaya mas pinapanood ang pelikulang Fantastica ni Vice Ganda at Jack EmPopoy nina Coco Martin, Maine Mendoza at Vic Sotto.

MILDRED BACUD: Agree naman ako sa’yo, friend Rommel, dahil napanood ko ang One Great Love. Matino ang pagkakagawa at dalawang beses akong napaiyak. Nagpaka-daring na rin si Kim and acting wise ang husay nila ni Dennis Trillo. Ano nga ba ang kulang at hindi maganda ang lagay niya sa takilya? Considering na Kim Chiu na pelikula at bankable siya.

Hindi ba ubra kung hindi si Xian Lim or Gerald Anderson ang kapareha niya? Dahil sa hina ng pelikula, hiningi na nga ba ng aktres ang tulong ng kanyang mga fan para magpa-block screening at makadagdag sa kita ng movie?

Ano nga ba ang dahilan? Laos na ba siya o sadyang wala lang silang chemistry ng dalawang leading men niya sa pelikula na sina JC de Vera at Dennis Trillo?

RONALINE AVECILLA: Totoo, napaiyak pa nga si Kim Chiu sa pangyayari. Nag-post si Xian Lim sa Instagram niya habang umiiyak ang aktres. Ani Xian, “Its ok, you did your best.”

Akala pa nga ng ibang netizen ay na­ging emosyonal si Kim dahil hindi na­nalo bilang Best Actress. Pero dahil pala ito sa kakaunting sinehan para sa One Great Love.

Maganda ang pelikula at maganda ang mga review dito. Pero papaano nga naman ito aangat sa takilya kung kakaunti lamang ang sinehan.

Mukhang kailangan rin nilang umapela kagaya ng Rainbow’s Sunset na nadagdagan ang mga sinehan pagkatapos maging Best Picture.

Sayang naman ang pelikula ni Kim kung hindi mabibigyan ng tsansa ang iba na panoorin ito.

RODEL FERNANDO: Sa akin lang parang nagsasawa na yata ang mga tao sa mga romcom o kaya love story na drama tuwing festival lalo na kung may parehong tema. Hindi nga tinangkilik ang One Great Love nina Dennis Trillo at Kim Chui.

Last year, hindi rin masyadong kinagat ang Derek-Jennylyn mo­vie pero kumpara sa mo­vie nina Kim mas mataas ang gross nito.

Palaisipan ngayon kung ano nangyari? Bumaba na nga ba ang popularity ni Kim Chui or hindi naging maganda ang promo o marketing ng Regal?

Pero may mga alingasngas din na maging ‘yung huling movie niya kay Ryan Bang ay hindi rin box office hit.

Nakakapanghinayang ang ganda pa naman ng mo­vie ayon sa mga nakapanood nito.