Kim selos kina Angelica, Bela

May “inggitan” na naganap sa magkakaibigang Kim Chiu, Angelica Panganiban at Bela Padilla.

Pinost kasi ni Angge sa Instagram ang mahigpit nilang yakapan ni Bela, sa kaarawan ng huli noong Mayo 3. Kuha ito ni Kimmy.

Sambit ng Chinita Princess,”Moms!!!!!! Sa bday ko yakapin mo din ako ng ganto!!!!!!!!!!!😭😝. nag selos ako moms!!!! 😅”

Tumugon naman si Angel at tinanong ang kaibigan: “gusto mo ba ng problem? Ng heartache? Waaaaag moms! 😂”

“Yung magiging yakapan natin, dahil miss na miss natin ang isat isa! ,” aniya pa. (SDC)