SOBRANG insensitive at racist ang na-post ni Kim Chiu tungkol sa experience niya sa Nepal kung saan nagsu-shoot sila ng The Ghost Bride ng Star Cinema.
Sinabi kasi ni Kim na natatakot siya sa lugar at anytime ay magkakaroon ng kaguluhan at saksakan plus napakahirap pa ng Wifi.
Sana, nagtimpi na muna si Kim sa kanyang mga comments. Naka bansagan siyang EPAL at PERSONA NON GRATA ng mga taga-Nepal.
***
Buti na lang patapos na ang I Can Do That dahil makakapahinga na ang mga tenga natin sa walang wawang chikahan nina Alex Gonzaga at Robi Domingo na puno ng energy pero salat sa sincerity at warmth.
Corny pa at puro cliche ang mga hirit, banter at patawa.
***
Saktong 1:00 PM dumating sina Direk Armand Reyes at Ben Payumo kahapon sa Pagbilao Church para sa libing ni Direk Gil Portes.
Nagbigay ng eulogy si Carlo Portes, followed by Direk Gil M. Portes’ wife Telly.
This mass precedes the laying to the grave of master director GIL MERLUZA PORTES.
Kulang ‘yung isang araw na pagpupugay sa kanya ng mga kaibigan sa Parañaque noong Sabado.
Ngayon, mainam na ipagdasal na lang siya at alalahanin ang magagandang pinagsamahan kasama ng direktor na maraming adbokasiya.
***
Parang pan-TV lang ang vibe ng concert ni Alden Richards sa Kia Theater noong Sabado.
Well received siya, adequate ang performance at production value pero parang kulang ng WOW sa impact na pawang pakilig lang talaga.
Kaya pa ni Alden ng MORE!
***
Congratulations kay Chef Tatung sa pananalo ng kanyang libro na Philippine Cookert: From Heart to Platter ng 2017 National Winner Gourmand World Cookbook Award.
Noong isang taon, ang libro naman ni Juday ang nagwagi.