Kim Soo Hyun 21 months mawawala sa showbiz

BUKAS, October 23, papasok na sa military ang Korean actor na si Kim Soo Hyun sa edad na 29.

Si Kim Soo Hyun ay mas nakilala sa kanyang pagga­nap bilang isang Alien sa Korean drama na My Love from the Star. Naka-schedule naman ang paglabas niya sa military sa July 22, 2019.

Siguradong napakaraming makaka-miss kay Soo Hyun ngayong 21 months siyang mawawala­ sa entertainment scene lalo’t isa si Soo Hyun sa mga itinuturing na ‘Hallyu’ star.

Hallyu star in Korea means popular or top stars.

Bago ang enlistment, mas pinili niyang magkaroon ng maraming pribadong oras kasama ang kanyang pamilya.

In fact, nakagawa naman ng Korean film ngayong taong ito na ‘Real’, ang huling Korean drama pa niya ay ang Producers noong 2015.

Hindi na rin matatawaran ang mga naging achievements niya bilang isang Hallyu star ng Korea.

Tatlong beses na nakasama si Soo Hyun sa listahan ng mga powerful celebrities in Forbes Korea. He ranked number 5 last year.

Pero sa kabila ng kanyang kasikatan, inamin ni Soo Hyun sa interview niya sa Herald Pop na may mga pagkakataon na malungkot siya dala ng popularidad.

Aniya, “The people around me began caring for me and doing things for me, and at one point, I started to take it for granted. Kim Soo Hyun as a person and Kim Soo Hyun as an actor grew further and further apart, and I became a spoiled princess.”

Sabi pa niya, it was a terrible feeling daw and very uncomfortable.

“At this rate, I wouldn’t be happy at all. I was shining on the outside, but I didn’t think it was okay to stay like this.”

Wala rin naman daw pangyayari na naging dahilan para mabago niya ito, pero dahil palagi niyang­ naiisip, naging daan ito para unti-unting mabago niya ang attitude towards the kind of fame he has.

“Thankfully, the distance between the two Kim Soo Hyun has become smaller. Now, I’m more at ease, I can meet eyes with people better, and I’m able to hold my head high.

This made me realize that I have in fact entered my thirties. I’m still in the pro­cess of overcoming that ‘princess’ mind.”