Kim, trinabaho si Dennis sa banyo, upuan at hagdan

Kim Domingo

TAYLOR SWIFT ang tukso ng mga kaibigan niya kay Kim Domingo dahil ang bilis niyang naka-move on matapos silang maghiwalay ng kanyang boyfriend of six years.

Natatawang depensa ng Kapuso sexy star sa sarili niya, bago pa sila maghiwalay ng kanyang non-showbiz boyfriend ay hindi na sila okey.

Meron silang mga isyu na walang kinalaman sa pagsu-showbiz niya o kung anuman.

Matagal-tagal na silang may problema, inuunawa niya lang ito dahil mahal niya.

Ngayon ay happy na ang tisay na dalaga sa bago niyang nobyo na si Michael Acuña. Dating basketball player si Michael na ngayon ay isang freelance model.

Paglilinaw ni Kim, after nilang mag-break ng longtime boyfriend niya ay saka niya nakilala si Mike.

Wala siyang problema rito dahil supportive ito sa career niya.

One month pa lang ang relasyon nila, pero mukhang sobrang inlabey kay Kim si Mike, na ipina-tattoo pa nito ang pangalan ni Kim sa katawan nito.

Sey ni Kim, mahal nila ang isa’t isa, pero hindi niya masasabi kung ito na ang lalaking makakatuluyan niya.

***

Dennis Trillo
Dennis Trillo

Ang 21-anyos na Fil-French beauty na si Kim ang gumaganap na hot and sexy mistress ni Dennis Trillo sa GMA primetime series na Juan Happy Love Story.

Thankful si Kim na makatrabaho si Dennis at aware siyang ang daming kababaihan at kabekihan ang naiinggit sa kanya lalo na’t may mga lampungan scenes sila ng Kapuso actor.

Alam din niyang maraming naaasar sa karakter niyang si Aga­tha dahil ang landi raw niya at isa siyang kabit.

Tsika sa amin ng flawless na si Kim, ang pinakamalalang ginawa nila ni Dennis ay ‘yung love scene nila na meron sa may banyo, sa upuan at sa may hagdan.

Game siya sa mga eksena dahil ginagawa niya lang ang trabaho niya at para maganda ang mapanood ng mga tao.

Trabaho lang, hindi siya nag-e-enjoy kay Dennis?

“Ay, trabaho lang po ako! Ha! Ha! Ha!” tawa ng tisay na dalaga.

Sa totoong buhay ay hindi raw malandi si Kim at hindi siya papayag na maging isang KABIT.

“Ayoko po ng gano’n. Hindi na po ako nanghihimasok sa buhay ng ibang tao. ‘Pag meron na, meron na.

“Hayaan na po natin.”

Naaliw kami sa hirit ni Kim na, “Hindi man po kapani-paniwala, pero mahiyain po ako kahit nag­lalabas ako ng katawan! Ha! Ha! Ha!”

Sa Bubble Gang ay pa-sexy rin siya, so nasanay na siya sa gano’n at hindi na siya nahirapan pa sa role ni Agatha.

***

Bukod kay Dennis ay nababaitan din si Kim sa co-star nila na si Heart Evangelista-Escudero.

Kinabahan din siya kay Heart, kaya bago ang mga eksena nila ng sabunutan ay nagpapaalam muna siya rito na hindi niya tototohanin.

Medyo dinidiin lang niya ang kamay niya sa ulo nito para huwag itong masaktan.

Napapanood ang mga pilyong eksena ng KimDen at ang banggaang KimHeart sa Juan Happy Love Story gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Descendants of the Sun.