Muli na namang susubok ang Viva Films na magpasikat ng bagong artista in the person of Kim Molina. Well, hindi naman talaga new star si Kim. Laking Saudi siya kung nag-work na dentista ang kanyang ama.

Naniniwala ang Viva na hinog na si Kim para maging big star kaya binigyan siya ng solo movie na titled “Jowable”. Feeling niya sa role bilang Elsa, maganda siya at kaibig-ibig pero nagtataka ang beauty niya bakit wala siyang boyfriend. Bakit wala siyang jowa eh jowable naman siya.

Masaya si Kim sa break na ibinigay sa kanya ng Viva para maging bida. Siya rin ang kumanta ng theme song ng “Jowable”, na ang music video ay may 100,000 hits.

Ayaw ng diva that you love na basagin ang positivity ni Kim pero as we all know, hindi guarantee ang maraming hits sa social media para kumita ang pelikula niya. May certain factor na hinahanap ang audience para panoorin nila ang isang movie.

Besides, first time lang magbida ni Kim pero hindi rin natin mapapasubalian na baka kasihan naman siya ng suwerte.

Malay ninyo, makakatsamba ang beauty niya at kumita ang “Jowable”, eh ‘di magiging masaya siya, ‘di ba?

Tony ayaw abusuhin ang sarili

Aminado si Tony Labrusca na malaking bagay ang nagawa sa career niya ng “Glorious”, ang iWant movie na ginawa niya for Dreamscape kasama ang very beautiful na si Angel Aquino.

Matagal na raw niyang gusto na makagawa sa Dreamscape kaya nang dumating ang offer to do “Glorious”, hindi niya ito pinalampas.

Aba at naging malaking hit ang “Glorious” at lalong bumango ang pangalan ni Tony, who believes na malaki ang posibilidad na kaya siya pinili ni Direk Jason Paul Laxamana na maging part ng “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” ay dahil sa magandang feedback from his work sa “Glorious”.

At least, dito sa “Ang Henerasyong Sumuko sa Love”, hindi naman sex object ang kanyang dating sa kanyang role as Kurt, isang millennial who is determined to make it big sa kanyang career.

Pero mare-realize niya na walang buting maidudulot sa kanya na laging ikumpara ang kanyang sarili sa ibang tao sa social media in terms of success. Masyado na siyang naging competitive in terms of achievement and success, to the point na naging malungkot na siya at naging depressed.

Pero sa totoong buhay ay cool lang si Tony. He knows what he wants pero alam din niya ang kanyang limits. May mga goals nga siya pero ‘di naman raw siya aabot to the point na aabusuhin ang kanyang sarili just because gusto niyang maging successful.