Kim walang nilabag sa trapiko-MMDA

Sa pakikipag-meeting ni Kim Chiu kay Metro Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia last Thursday morning ay natuldukan na ang “fake news” na kumalat tungkol sa viral dance video ni Kim na lumabag daw sa batas-trapiko.

Ayon sa statement na ini-release ng Star Magic na management ni Kim, sa nasabing meeting ay ipinaliwanag ng aktres kay GM Jojo Garcia na ang viral dance video niya ay hindi kinunan sa EDSA tulad ng inaakusa ng mga netizen kungdi sa isang parking lot.

Narito ang kabuuang statement ng Star Magic:

“This morning, Kim Chiu had a brief online meeting with MMDA General Manager Jojo Garcia following her viral “dance video”.

“Kim initiated the meeting where she explained that the controversial video was not taken along EDSA but in a parking lot adjacent to a road. Kim also clarified that the car is not moving when the 5-seconder video was taken.”

“MMDA accepted Kim’s explanation and although SHE DID NOT COMMIT ANY TRAFFIC VIOLATION with her act, GM Garcia still reminded her to always adhere strictly to traffic rules and regulations.”

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat naman si Kim kay GM Garcia kasabay na pakiusap sa mga netizen na itigil na ang pagkakalat ng mga fake information and fake news.

“Thank you to GM Jojo Garcie for giving me a few minutes of your time early this morning. My team and I initiated the quick interview just to clear both sides to that 𝗙𝗔𝗞𝗘 𝗡𝗘𝗪𝗦 that is going around social media.

“It is clearly stated that 𝗡𝗢 𝗩𝗜𝗢𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 was done.

“To people, please stop spreading fake news. This is a hard time for all of us. Ang daming pinoproblema ng MMDA ngayon. GCQ na, there are people who need proper information and not fake news.

“Mas maraming balita po ang mas kailangan pag tuunan ng pansin rather than spread false stories and call the attention of the mmda. Wag ganun classmates. Marami silang problema ngayon. Let’s focus on ourselves, to stay healthy, strong and never lose hope and faith,” ang pahayag ni Kim.