Kim Woo Bin sinorpresa nina Lee Kwang Soo, Im Joo Hwan, Kim Ki Bang

Positibo ang balita sa pag-comeback ni Kim Woo Bin.

Ang aktor ay pansamantalang nagkaroon ng hiatus from his activities dahil sa pagkakaroon ng nasopharyngeal cancer.

Nag-undergo ito ng treatment.

Ang naging unang public appearance niya ay ang nakaraang 40th Blue Dragon Film Awards. Sinundan ito ng fan meeting noong December 8.

First time naman na nakaharap ng aktor ang mga fan niya pagkatapos ng mahigit dalawang taon. Tinawag ang FM na 2019 Kim Woo Bin Thank You” sa Smtown Theater.

Personal na si Woo Bin daw ang nag-conceptualize ng fan meet na maging mala-talk show ang concept. Pinalakpakan ng mga tuwang-tuwang fans ang pagpasok ng actor and in return ay nag-90 degrees bow si Woo Bin.

Ang mga kaibigan ng aktor na sina Lee Kwang Soo, Im Joo Hwan at Kim Ki Bang ay sinorpresa ang mga fan ni Woo Bin sa appearance nila. Maging si Woo Bin ay walang ideya na darating ang mga ito.

Isa sa naging pahayag ni Woo Bin, “I’ve been waiting for this moment to meet fans for the first time in about three years. It was even warmer, more fun, and more joyful than I thought it would be. I wanted to share lots of stories with all of you since it had been so long, but I don’t know if they reached you properly. From now on, I will greet you more often and share my news. Thank you so much for your valuable time.”

Sa ngayon ay kasalukuyan daw namimili ang aktor sa possible comeback project niya.