Pagkatapos ang nangyaring pananambang kay Kim Chiu ng unidentified gunmen nagsalita na ang Chinita Princess tungkol sa mga bagay na napagtanto niya dala ng nasabing insidente.

Binigyan din niya ng kredito ang ABS-CBN at ang mga bosses nito at iba pang mga tao na tumulong sa kanya para siguraduhin ang kanyang kaligtasan lalo na noong nasa taping siya ng Love Thy Woman.

Gayunpaman, napansin ng netizen na hindi kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim sa kanyang pinasalamatan.

Dahil dito, lumutang ang iba’t ibang espekulasyon.

Sey ng kibitzers, marahil daw ay may lover’s quarrel ang dalawa.

Giit naman ng ilang mga bitchy netizen, malinaw raw na pang-fans lang ang ka-sweetan ng dalawa.

Hirit naman ng ilang observers, lumalabas na raw ang real score sa kanilang relasyon na pang-showbiz lang. (Archie Liao)