NI: VINIA VIVAR

Sa pangalawang linggo ng “enhanced community quarantine,” nami-miss na ni Kim Chiu ang mag-work, gayundin ang mga kaibigan.

Post niya sa kanyang Instagram Story, “I miss work. I miss being productive. I miss my friends who I fortunately get to work with as well. Huhuhu.”

Pero kahapon ay nag-guest siya sa Magandang Buhay siya via video call kaya pahit paano ay nakapag-work naman siya kahit nasa bahay.

Active naman sa social media si Chinita Princess at panay ang post ng kanyang mga ginagawa sa bahay. Araw-araw ay pino-post niya ang kanyang mga exercises na ginagawa. Paborito nga niya ay jumping rope.

Ipino-post din niya ang mga Face Time niya with boyfriend, Xian Lim, gayundin sa ibang mga kaibigan. Nakakaraos sila sa video call para magkaron ng komunikasyon. Bukod dito, pang-walong araw nila kahapon para sa self-quarantine simula nang maging positive si Boyet de Leon sa COVID-19.

Post pa niya, “mahirap. . .pero mas tripling hirap yung ginagawa ng mga frontliners.”

Busy rin si Kim sa TikTok ngayon at nakaaaliw ang mga videos niya. May isang entry siya na nagi-Intsik habang nagagalit sa coronavirus since sa China naman daw nanggaling ang nasabing virus.