Naghahanap na ng lokasyon na angkop para sa pagpapatayo ng isang factory ng kimchi sa La Trinidad, Benguet para sa pagpapalago ng lokal na industriya ng gulay sa lalawigan.

Ito ang hinayag ni La Trinidad Mayor Romeo K. Salda matapos magkaroon ng plano ang ilang Korean investor na magtayo ng factory ng kimchi sa nasabing lalawigan.

Nasa 3,000 hektarya ng lupain umano ang hinahanap ng mga investor para sa pasilidad, at nakikipag-ugnayan na umano ang local government unit para makapagbigay ng angkop na tulong sa mga dayuhang negosyante.

Ang pangunahing sangkap ng kimchi, ayon sa alkalde, ay matatagpuan sa La Trinidad at kapag natuloy ang gagawing factory ay mala­king tulong ito para makapagbigay ng karagdagang trabaho sa mga nagtatanim ng gulay sa lalawigan.