KIMERALD, PANG-UMAGA NA!

KIM at GERALD

HAVEY: After working on primetime teleseryes, heto ang tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson at isasabak sa kakaibang challenge sa kanilang car­eer.

Ang kanilang tele­seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin under Direk Dan Villegas ang papalit sa timeslot ng Langit Lupa na matatapos na this Friday.

Kasama nina Kim at Gerald sa bagong tele­serye sina Jake Cuenca at Coleen Garcia with Gina Pareño, Dante Rivero, Daniel Fernando, Bing Loyzaga, Michael de Mesa, Andrea Brillantes, Grae Fernandez, Nicco Manalo, Juan Miguel Severo, Ivan Carapiet at Via Antonio.

With special participation nina Yogo Singh, Francine Diaz, Bangs Garcia, Edgar Allan Guzman at Dominic Ochoa.

Ang tanong ay hindi na kung magkakabalikan sina Kim at Gerald sa project na ito, kundi mapapangatawanan at magwawagi ba sila sa ratings sa kakaibang timeslot na pang-umaga?

Magiging matatag ba ito against Trops ng GMA 7? Magandang abangan ang tapatan nito next week!

***

WALEY: Waley tao, walang promo – ‘yan ang complaint ng mga nanood ng sine under the Cine Lokal program na just recently ay ni-launch ng Film Development Council of the Philippines at SM Entertainment.

Isang premyadong playwright na si Nick Pichay ang nanood at heto ang sabi niya, “Nanood ako ng Himala sa SM Megamall kahapon at ito ang top 10 kong naisip:

1. Walang promo. Walang nakaalam. Apat lang kaming nanood sa 3:45 show.

2. Ang ganda ng restoration ng pelikula. Buhay uli ang kulay ng mga eksena. Hindi takot ang cinematographer na madilim ang kalahati ng mga mukha ‘pag gabi ang eksena. ‘Di tulad ng mga pelikula ngayon na lahat ng eksena, iisa ang ilaw — pang-commercial.

Takot na ‘di makita ang product placement.

3. Ang galing ng crowd scenes. At ang mga mukha sa crowd scenes, napakatunay. Wala mang Barrio Cupang, naramdaman ko siya.

4. Nagmula sa teatro ang karamihan ng mga artista dito. Ang lakas ng rehistro nilang lahat. Si Spanky Manikan, Gigi Dueñas de Beaupré, Pen Medina, Ama Quiambao, Joel Lamangan, Joe Gruta, Laura Centeno. Hindi sila umaarteng parang teleserye o romcom ang indayog ng kanilang mga binatong linya. Hindi ga­ling sa kahon ang kanilang emosyon.

5. At ang tingin ni Ama Quiambao sa eksenang nagpatawag si Elsa ng doktor dahil hindi na niya masigurado ang kakayahan niyang manggamot — walang katumbas.

6. Gayong mahaba ang sining, kay-ikli ng buhay. Miss na miss na miss ko si Ama Quiambao.

7. Sa aking libro, superstar si Ishmael Bernal.

8. Gusto kong tanungin kay Ricky Lee, sino ba talaga ang nagpapatay kay Elsa?

9. Ano man ang sabihin nila, dapat naging National Artist si Ate Guy — maski dahil lamang sa pelikulang ito.

10. Paano makikita ng mga millennials ang mga pelikulang ganito kung wala namang promo na magsasabi sa kanilang kailangan nilang panoorin ang mga pelikulang tulad nito? Sagutin ninyo ito, please.

Bukas ang aming pahayagan sa panig ng organizers at sana, suportahan natin ang Cine Lokal.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.