KimXi walang ibubuga

KimXi walang ibubuga

May katotohanan nga kaya ang chika na maagang tatapusin sa ere ang “Love Thy Wonan” at ang dahilan nga ba, ay dahil it is failing miserably sa ratings? Na kung ginto sa digits dati ang “Kadenang Ginto” eh hilahod nga ba ang afternoon drama na makipagsabayan o tapatan man lang ang katapat nito?

May katotohan rin kaya ang bulong-bulungan ng mga katkatera na itong si Ms. Eula Valdes, eh hindi makapaniwala sa “acting prowess” na ipinapakita ni Kim Chiu?

How true na willing and very able pa naman nga ba si Valdes na tulungan itong si Chiu sa kanyang pag-arte, na humingi pa ito ng permiso sa pamunuan para alalayan ang pinakabidang babae pero pinagsabihan nga ba ng dekalibreng character actress na huwag na niyang pahirapan pa ang sarili niya dahil wala na talagang magagawa at mapipiga pa kay Jia, ang pangalan ng katauhan ni Chiu sa soap?

Eh kamusta na ang balik tambalan nina Kimmy at Alexander? Wala na ba talaga silang audience kaya mas pinipili ng mga regular viewer ng time slot na mag-siesta na lamang kesa panoorin ang kanilang pagganap at pag papanggap?

Mas marami na ba nananalig na wala talagang romansahan at relasyong namamagitan a sina Kim at Xian?

Kung gayon, maari na ba nating sabihin na ang Kim Xi, wala ng maibubuga kaya wala na tayong maramdaman sa kanila? Laos na ng ba ang tambalang ito at isang pagkakamali ang pagsasanib pwersa nilang muli?

Kiray mukhang tita ang dyowa, pang-lola ang suot

Marami talaga ang nabigla sa suot na swimwear ni Kiray Celis na posted sa kanyang IG account.

Hindi naman nakakabigla na kasama niya ang kanyang dyowang si Stephen Estopia. Ang agaw pansin talaga, ang suot niyang saplot. Keri lang yung tank top pero super unflattering yung parang panty ng lola ang suot niyang pang-ibaba.

Hindi ko mawari kung sino ang nagsabi kay Bb. Celis na ikinaganda ang suot niyang beach garb. Nagmukha tuloy siyang tiyahin ni Stephen at hindi dyowa.

Buti pa noong si Kirst Viray ang dyowa-dyowaan niya, mas magaganda ang suot niyang swimwear pag rumarampa sila sa beach. Ngayon kung kailan dyowang totoo saka ganiyan ang suot. Kalurks ha!

Pabebe raw si Vico: Kabaliwan na patulan si Mocha

“”Stellar,” ang isang broadsheet, iyan ang pang-uring ginamit upang ilarawan si Vico Sotto, ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, ang tinaguriang babe mayor ng Pasig City.

He has raised the bar so high para sa mga alkalde sa pagpapakita kung paano ang dapat gawin ng mga LGU lider para ang mabilis na tulong at serbisyo ng pamahalaan ay hindi lang maiabot, kundi maramdaman ng kanilang mga kinasasakupan.

Hindi lang naman si Sotto ang kapuri-puri, ang mga mabubuting alkalde ng Maynila, San Juan at Valenzuela, sila na mga bagong mukha at may pusong alam talaga ang ibig sabihin ng salitang serbisyo publiko ay talaga namang kahanga-hanga.

Siguradong-sigurad na proud sina Bossing Vic at Ms. Coney sa kanilang binata. Kaya nga, bentang-benta ang meme kung saan makikita si Reyes, na hawak-hawak ang pisngi ni Vico at ang nakasulat rito ay: “Ginalingan mo anak. Maghanda ka, mas matindi pa ito sa veerus. Ayan na mga bayarang trolls!”

At siyempre, ang nagsimula na sa pag-atake sa alkaldeng mahusay, walang iba kundi ang bold starlet of yore, si Mocha Uson.

Dahil nga sa pakiusap ni Sotto sa national government na hayaan na makatakbo ang mga tricycle sa kaniyang lungsod na pinamumunuan, ang hitad, may litanyang ganito sa kanyang infamous blog: “Eto yung sinasabi ko eh. Kaya ng ibang lugar bakit eto si Mayor Sotto pabebe? Bukas pag-uusapan natin ito. Papaliwanag ko kung bakit sablay ang pabebe ni Sotto. “

Siyempre pa, wala na akong balak pang basahin at ibahagi sa inyo ang paliwanag ni Bb. Uson dahil ang mga ginagawa ni Sotto para sa kanyang mga constituent, will just speak for itself. Well chronicled at documented ang mabilisang aksyon at ayuda para sa mga taong under his care.

It will be foolish to argue with Ms. Uson on this matter at hayaan na rin lang natin ang mga hangal ang manalig sa kanyang paliwanag na “pabebe” nga si Sotto. Si Mocha and the rest of the people who refuses to see the “good” na ginagawa ni Vico, dapat pa bang patulan at bigyang importansya? Let them rot in their twisted world for all we care, right?

Mabuhay ka Vico Sotto! At pati na rin ang ibang LGU leaders na hindi natutulog sa kankungan, pansitan at kalabasahan.

‘Yun lang.