Kinaliwa ng live-in partner nagbigti!

Dahil sa tindi ng sama ng loob matapos matuklasang may ibang karelasyon ang kanyang kinakasama, winakasan ng isang tricycle driver ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti.

Ayon kay PO3 Aldeen Legaspi, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si Robert Clasara, 24, habang nakabigti loob ng kanyang bahay sa Blk. 9 Extension, Baseco Comp. sa Port Area, Maynila.

Bago magpakamatay ang biktima, natuklasan nito na ang kanyang live-in partner na si Analyn Cabilyo ay may relasyon sa ibang lalaki na nakilala lamang sa pangalang ‘Buboy’.

Huli umanong nakita ang biktima na balisa kaya nagpasya si Cabilyo na umalis na lamang ng bahay at sumama kay Buboy.

Nang umuwi ang kinakasama sa kanilang bahay, dito na nakita ang nakabitin na katawan ni Clasara at nalagutan na ng hininga.

Ayon sa Baseco Police Community Precinct (PCP), posibleng walang foul play sa pagkamatay ni Clasara at maaaring dahil sa sobrang depress at hindi matanggap ang pangangaliwa ng kanyang kinakasama kaya ito nagbigti.