Kinang, saya, kontrobersiya, luha, iba pa sa 2018 sports

LIPAD FALCONS LIPAD
Tinalo ng Adamson Soaring Falcons ang De La Salle Green Batters para magkampeon sa UAAP Season 80 baseball tournament. Ito ang ika-12 kampeonato ng Adamson.

ANGAS NI ANCAJAS
Panis kay IBF world super flyweight king Jerwin Ancajas ang kababayang si Jonas Sultan sa kanyang pagdepensa ng korona sa kanilang laban noong Mayo 26, 2018 sa Fresno, California. Ikalimang matagumpay na pagdepensa ito ni Ancajas.

DEFENDERS BUWENA-MANO SA UNTV CUP
Unang kampeon ang Senate Defenders sa UNTV Cup Season 6 nang kaldagin ang Malacañang-PSC Kamao sa Game 2 ng kanilang finals noong Marso 12, 2018.

BIGO SI NONITO
Malungkot na karanasan ang sinapit ng Pinoy na si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire nang matalo via unanimous decision kay Carl Frampton noong Abril 21 sa laban nila sa Belfast, Northern Ireland.

MARKA NG MGA AZKAL
Gumawa ng kasaysayan ang Philippine Azkals nang talunin ang Tajikistan 2-1 para makakuha ng silya sa 2019 AFC Asian Cup.

TANSO NI YULO
GINTO ANG DATING
Nakapitas si Carlos Edriel Yulo ng makasaysayang bronze sa 48th Artistic Gymnastics World Championships 2018 sa Aspire Academy Dome sa Doha, Qatar noong Oktubre 19-Nobyembre 4. Dahil sa unang medal ito ng ‘Pinas sa taunang kompetis­yon, natrato itong gold ng mga netizen.

BRONZE NI WATANABE, BIDA RIN SA SOCMED
Binalibag ni Kiyomi Watanabe ang unang medal ng ‘Pinas sa loob ng 31 taon sa 18th Asian Games 2018 judo noong Agosto 18-Set­yembre 2 sa Jakarta-Palembang, Indonesia nang mapanalunan ang silver. Pero dahil sa espesyal ito sa matagal na panahon na nakuha ng isang juoda, naging mainit din sa social media.

GOLD NI SASO,
SOBRANG KINANG
Nahambalos ni Yuka Saso ang buwena-manong gold ng bansa sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia nu’ng Agosto 18-Setyembre 2 sa tagumpay sa women’s individual golf at women’s team. Napakakinang nito dahil huling gold pa ni Juan dela Cruz sa sport ang kay Ramon Brobio noong 1986 Seoul Asiad.

FAJARDO NAKA-5 PBA MVP
Nakapagbuslo na ng ika-5 niyang PBA MVP si June Mar Fajardo sa 2017-18 season sa nahuling pagdaraos ng 43rd Leo Awards na ginanap nitong Enero 13, 2019 sa Philippine Arena sa Bocaue. Sinabay na sa opening ng 2019 Philippine Cup.

PACQUIAO
BALIK-TRONO
Muling umupo sa trono ng pro boxing si Manny Pacquiao nang masakote ang WBA welterweight via 7th round technical knockout laban kay Lucas Martin Matthysse ng Argentina noong Hulyo 15 sa Malaysia.
Attachments area