Tinarakan ang isang helper ng kanyang ka live-in matapos umanong magtalo dahil sa kapos na perang inintrega ang una sa huli sa kanilang bahay sa Sta. Cruz, Maynila.
Nagtamo ng saksak sa kanang pisngi ngunit ligtas na ang biktimang si Romnick Arcangel, 28, habang nakatakas ang kinakasama nitong si Clarissa Mae Seregene, 27, factory worker, kapwa ng 2244 Rizal Avenue, Sta. Cruz.
Sa report ng pulisya, alas-12:15 ng tanghali nang magtalo ang dalawa dahil kapos para sa kanilang pangangailangan ang perang ibinibigay nito hanggang sa makahagilap ng kutsilyo ang suspek at itinarak sa pisngi ng kinakasama bago tumakas.