Isang 6-taong gulang na paslit ang nakitang palutang-lutang sa Manila Bay.
Kinilala ni PO3 Ryan Balagtas ng Manila Police District (MPD) Homicide Sectio ang biktimang si Vince Adrian Milla,6 years old, isang kindergarten pupil at residente ng 051 Gate 64 Parola Compound sa Binondo, Maynila.
Ayon kay Aiko Mae Milla, 22, tiyahin ng biktima, alas-10 ng umaga pa lamang kahapon ay hinahanap na nila ang bata na huling nakitang buhay kasama ang ilang kalaro na naliligo malapit sa Gate 64 ng Parola Compound.
Sa imbestigasyon, alas-12:30 na ng tanghali nang makita ang bangkay ng biktima sa bahagi ng Manila Bay malapit sa Access Roas, ICTSI Compound sa Binondo.
Nakita ni Francisco Alfonso ang palutang-lutang na bangkay ng paslit limang metro ang layo mula sa riverbank.
Kaagad humingi ng tulong sa mangingisdang si Danny Lisay na noon ay nangingisda at kumuha sa bangkay ng biktima.
Dinala sa Archangel Funeral ang bangkay ng paslit para isailalim sa autopsy.