Nais ni Nicholas King at ng San Miguel Alab Pilipinas nang masayang Pasko kaya todo sa ­pakikihamok sa Chinese Taipei ­Formosa Dreamers ngayong alas-tres nang hapon sa Changhua Stadium sa Taiwan.

Pakay ng mga co-league leader na mga alipores ni Alab coach Jimmy Alapag (3-1) ang fourth straight win laban sa sixth-running Taiwanese (2-3) para makakalas sa tuktok kabuhol ang Mono Vampire Thailand.

Bahagyang liyamado ang PH quintet dahil sa pagiging hottest squad sa 10-team league, tinagay ang huling tatlong asignatura kabilang ­96-73 paglango sa Thais nitong Martes, Disyembre 17 sa The Arena, San Juan City.

Pabibo sa game na iyon ng mga Pinoy si American import Nicholas King na humulma ng 24 points, 5 rebounds at tig-3 assists at steals sa isang puntos lang na pagpapatikim ng bentahe sa Thais at pag-abanten naman nang hanggang 28 markers ng ‘Pinas.

Sa kabilang dako, nasa kambal na ragasa ang Dreamers. (Aivan Denzel Episcope)