King nilasing ang Mono Vampire

Nagkahon si Nicholas King ng 24 points, 5 rebounds, at tig-3 assists at steals para buhatin ang San Miguel Alab Pilipinas sa paghihimagsik sa Mono Vampire Thailand, 96-73, sa 10th ASEAN Basketball League 2019-2020 eliminations Martes nang gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Isa puntos lang ang natikmang ­kalamangan ng Thais bago humarurot ang mga host Pinoy na nakalayo ng 28 points sa dinominang laro para lagutin ang tatlong ragasa ng karibal at samahan pa ito sa tuktok sa parehas na 3-1 win-loss record.

Sumaklolo kay King si Sam Deguara ng 20 markers at 10 boards para mairesbak ng Alab ang 111-76 loss sa pagbubukas ng liga nitong Nobyembre 17 sa Bangkok.

May mahalagang walong puntos, 10 feeds at walong board si Jason Brickman na nagklik ang reunion game na ito kay Deguara.

Sina Tyler Lamb at Mike Singletary ang nagpumiglas sa Mono sa sinalansang 22 at 17 pts.

Sunod sa San Miguel quintet ni coach Jimmy Alapag ang Chinese Taipei ­Formosa Dreamers sa Linggo, Disyembre 22 sa ­Changhua Stadium sa Taiwan.
Ang iskor:

SAN MIGUEL ALAB PILIPINAS, 96 – King 24, Deguara 20, Wyatt 13, Ganuelas-Rosser 11, Brickman 8, Gray 6, Heading 5, Domingo 5, Vigil 4, Rangel 0, Caracut 0

MONO VAMPIRE THAILAND, 73 – Lamb 22, Singletary 17, Morgan 9, Knowles 9, Ananti 6, Watkins 4, Lish 2, Chanthachon 2, Phuangla 2, Saengtong 0, Boonserm 0, Towaroj 0

Quarters: 20-18, 38-35, 68-58, 96-73. (Aivan Episcope)