Dear Editor:
Nagtataka lamang ako kay Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay Jr., kung saan niya nakuha ang datos tungkol sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) na nasasakupan daw ng International waters. Samantalang may pruweba tayo na nasasakupan ito ng ating hangganan base sa Murilla Map noong panahon pa ng Espanyol na ginawa ang mapang ito.
Kasama ang mapang ito na isinumete sa Permanent Court of Arbitration sa Hague. Na kasama pa rin sa ating EEZ ang shoal na iyon.
Tila ata kino-contradict niya ang posisyon ng dating Aquino Administration? Hindi kaya kinakampihan na niya ang China dahil sa proyektong railway transit? Nagtatanong lang naman.
— A. Mamaril
Pasay City
***
Dear Sir,
Maganda ang naisipang pagsuko ng 44 na mga communist rebels kahapon, July 18, 2016.
Sila ay mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB). Ilan sa mga ito ay mga babae. Ang mga rebeldeng ito ay nag-o-operate sa Bulacan at Rizal.
Sumuko ang mga rebeldeng ito sa local officials ng Pampanga sa pangunguna ni Gov. Lilia Pineda. Kasama sa kanilang pagsuko ang kanilang mga armas. Sumuko sila sa pamamagitan ng mayor ng Sta. Ana, Pampanga na si Mayor Edilberto Gamboa, kasama ang kanyang Army buddy na si Major Ericson Bulosan. Si Major Bulosan ay kasama ni AFP Chief of Staff, Gen. Ricardo Visaya nang sumuko si Mayor Gamboa, na isa ring dating communist rebel noong 2004. Siya ay kilalang si “Commander Ross”.
Naawa si Mayor Gamboa sa mga rebeldeng ito kasi nakikita raw niya sila na naghihirap, nagtitinda ng prutas, gulay at iba para buhayin ang kanila pamilya. Ang masama pa nito nakatakip ang mga mukha para hindi makilala kahit sobrang init.
Siguro naging inspirasyon nila sa pagsuko si Mayor Gamboa kasi gusto raw niya silang makita na mabuhay rin ng maayos at mapayapa. Sana rin ay makaisip ng ganito ang iba nating kababayan na mga rebelde. Hindi maganda ang buhay kung laging nagtatago.
— Gabriel P. Toledo
Cabanatuan City