Inuulan ng batikos ang kampanya kontra iligal na droga ng gobyernong Duterte dahil sa pagbulagta ng maraming sangkot sa iligal na droga.

Sa katunayan, hindi lamang ang human rights group ang bumabatikos sa gobyernong Duterte kundi maging ang United Nations (UN).

Pero sa kabila ng kaliwa’t kanang banat na inaabot ng masidhing kampanyang ito ng administrasyong Duterte sa iligal na droga ay maraming lider sa Asya ang napapabilib.

Katulad na lamang ng bansang Indonesia na katulad ng Pilipinas ay malaking problema rin ang iligal na droga.

Dahil sa paghanga sa ginagawang laban ng gobyerno ng Pilipina­s sa iligal na droga ay hindi nahiya ang Indonesia sa pamamagitan ng kanilang anti-narcotics chief na ipangalandakang gagayahin nila ang istilo ng Pilipinas upang mapagtagumpayan din ang pagsugpo sa iligal na droga.

Bukod sa Indonesia, marami pang bansa ang humahanga sa ipi­namamalas na kaseryosohan ng pamahalaang Duterte sa pagsugpo ng iligal na droga.

Ibig sabihin ng positibong pananaw ng mga world lea­der sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga ay may pinatutunguhan ang ginagawang pakikipaglaban ng ating pamahalaan sa iligal na droga na sa ilalim lamang ng gobyernong Duterte natuklasan na malala na pala itong problema.

Kaya sa ganang amin, sa halip na batikusin ang kampanyang ito ng pamahalaan ay suportahan na lamang natin dahil tayu-tayo rin ang makikinabang sa bandang huli o sa sandaling maideklarang drug-free na ang ating bansa.

Pero ang hangad lamang natin ay tiyakin sana ng pamahalaan ang pagpapairal ng due process upang walang malabag na karapatang-pantao kasabay ng labang ito ng ating bansa sa iligal na droga.

6 Responses

  1. Sa ginagawang pagpatay sa mahihirap ay lalong lalala ang crimen. Madadagdagan pa ng holdapan’ nakawan at patayan dahil sa tataas ang presyo ng droga. Ang mga drog lords ay lalong yayaman. Ang adik na dating nakakabili ng droga sa murang halaga ay kailangan ng magnakaw para makabili. Hanggat nandiyan ang mga drog lords at tuloy ang supply ay di masusupil ang droga,

    1. Sorry pero yang paliwanag mo ay baka hindi mabili ng sino man. Hindi ako taga Manila pero sa pag dalaw dalaw ko sa Metro Manila ngayon ay masasabi ko na malaki ang pagkakaiba kesa noon kahit gabi.. Ngayon nakikita ko kahit pasahero sa jeep eh nakaka pag smart phone na..

      Pag malalim na ang gabi parang walang maraming tambay sa kalye.Kung sinasabi mo na lalong dadami ang kremin ay hindi ko alam kung saang lupalop galing ang ganyang ideya?

      Kahit pa siguro magkaroon ng factory ng shabu dito , pero kung walang pusher or magtitinda ay siguradong magsasara kasi malulugi..So parang sinasabi mo na hayaan ng mura ang shabu para ang mga adik ay hindi magnakaw ganon po ba?

      Kung maligaya sa dating kalakaran ng bansa , isa ka sa dapat walisin as part of the government housekeeping effort.. mamili ka ..

      1. Ang mga users at pushers ang pinapatay pero walang action para masupil ang supply. Patuloy pa rin ang negosyo ng mga drug lords. Walang user ang dapat mamatay. Kung walang mabili ay hindi sila magnanakaw pa dahil sa wala namang mabibili o mahirap makabili. Hintay ka lang sandali at maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin.

  2. mga pamilya lang naman ng addict, pusher, druglord, mga human rights at liberal party ang kontra sa droga pero majority ng mga pinoy pabor sa ginagawa ni digong at bato