Kasong ‘murder’ ang kakaharapin ngayon­ ng apat na mag-pipinsan matapos pagtulungan­ bugbugin at pagpapaluin ng matigas na bagay hanggang sa mapatay ang isang electrician kamakalawa ng madaling-araw sa Parañaque City.

Sa follow-up operation ng mga tauhan ng Parañaque City Police at mga barangay tanod, naaresto­ ang magkapatid na sina Roger Santos, 23, binata,­ construction worker at Rolando, 18, ng San Luis St., Valley 6, Barangay San Isidro at mga pinsan nitong sina Julius, 21 at Jomar Palaganas, 25, na nakatira sa 432 San Luis St., San Valley 6 ng nasabing lungsod.

Inaresto rin ng mga awtoridad ang ama ng magkapatid na si Marcial Palaganas dahil sa pakikialam sa kaso.

Sa report ni Senior Supt. Jemar Modequillo, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Dr. A Santos, San Isidro kung saan pinagtulungan bugbugin at pagpapaluin ng tubo ang biktimang si Jonathan Suda­ria, 26, binata, ng Barangay San Isidro, Parañaque City.

Namatay si Sudaria sa pinangyarihan ng insidente dahil palo sa ulo at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nauna rito, nagbibisikleta si Julius Palaganas sa San Antonio Valley 2 nang sumemplang.

Sa pag-aakala na pinagtawa­nan siya ng biktima at nilapitan niya ito saka kinumpronta.

Dumating naman ang magkapatid na Santos at si Jomar na agad sinung­gaban ng suntok ang biktima hanggang sa pagtulu­ngang bugbugin at paluin ng tubo sa ulo at katawan na siya nitong ikinasawi.