SA Kantar-Media TNS Nationwide Primetime ratings, ang FPJ’s Ang Probinsyano ang nagwagi, 42.4% .
Ang pilot episode ng Encantadia, 21.0%.
Sa AGB Nielsen, iba ang dramarama.
Ang Encantadia’s pilot ratings ay 26.1%.
Kinabog nito ang Coco Martin starrer which posted 24.2%.
Ang tanong… ang dabarkdads at madlang people, ang mga Kapuso loyalists at Kapamilya die hards, anong rating figures ang pinaniniwalaan?
Sa advertisers, alin ba talaga ang ratings provider na may kredibilidad para sa kanila?
Ang pagte-trend ba worldwide sa Twitter eh tunay na indicator para sabihing ang isang show ang naghaharing uri at pinapanood?
Sa 24 Oras news program sa Siyete, may recap of the previous pilot episode at may teaser ang susunod na kabanata para sa Encantadia.
Gagawin kaya ito all the time or para sa pilot week lamang?
Ganu’n din kaya ang kaganapan sa TV Patrol ng Dos para sa Ang Probinsiyano?
Ginawa ba nilang major, major kuwento ang ganap sa Delfin character ni Jaime Fabregas?
Ang mga susunod na special guest stars, may mga welcome press payanig for them to stir the public’s curiosity.
Totoo bang bukod kina Cesar Montano at Vice Ganda, magiging panauhin sina Ethel Booba at Kiray Celis?
Sina Booba at Kiray ang ka-level ng mga bagong Sang’gre? ‘Katuliro, huh?!
***
Both shows, may positive at negative comments. Natural lang ‘yun.
Funnier ang mga pagmamaldita at memes tungkol sa Enca.
Isang sample ay mula sa diwatang blandina na ang mataray-taray na post ay, “Tried watching#encantadia. Hello? Ang laki ng butas ng kwento.
“Bukod na sa kung saan-saan kinangkong ang konsepto; napakaINFERIOR ng sfx… at ang pinakamatindi ay ang gutay-gutay na VULNERABILITY clause ng buong echos na kaharian.
“Isang utot ko lang after making lafang to kamoteng purple, CHUGILOUBLANCO na silang lahat.
“Umakyat muna kaya sa Himalayas ang writers at mag-meditate nang 10 years para makagawa ng vacuumed original story/concept instead of feeding dogshit to their audience?”
Sa isang pink portal, panalo ang memes na super screen grab ang mga eksena nina John Arcilla, Marian Rivera at Max Collins, pati na rin ‘yung kay Sunshine Dizon.
Ang mga emotada encarnacion sa memes, ang tungkol sa pagiging thank you boy ni Sam Adjani sa Mr. World, ‘yung mapagtanto mo na pareho kayong “power bottom” at ang pinakasawing pangyayari, ‘yung malaman mong matapos mong buhayin ang dapat buhayin, cocktail hotdog size ito.
***
At dahil pinanood ni Kris Aquino ang mammoth box-office hit that is Imagine You and Me, ang mga negatron … siya ang naging subject of ridicule, spite and suspicion.
Nakakaloka ang line of thinking, mental programming at emotional health status of bashers & haters.
May pagka-diktador at feeling nila, sila lang ang tama sa lahat ng bagay.
The last time I checked, we are in a democracy.
Kaya para saan ang mga kuda at hanash ninyo?
Mortal sin ba na ang pelikula nina Alden at Maine ang mas pinaborang panoorin at in a way, para na ring inendorso ni Krissy na tangkilikin of the balana and the madlang pipol?