Kiray vs Angeline, agawan ng titulo

Kiray Celis

Ngayong pinagtatapat sina Angeline Quinto at Kiray Celis bilang Comedy Princess, siguro eh mas may lugar para kay Melai Cantiveros na nakakatawa talaga sa pagho-host sa Magandang Buhay at kay Sheena Halili na sana ma-develop pa sa comedy — pero hindi mapalaki ng network niya, sayang!

***

TOTOO bang patapos na ang Calle Siete at mukhang mapapabilis ang pagbabakasyon ng lead star nito na si Ryzza Mae Dizon?

Kung tutuusin, walang naging bakasyon ang staff at stars ng show dahil segue-segue sila from their previous set to this one. Let’s see kung mae-extend pa ito at kung ano ang ipapalit kung sakali.

***

Isa pang matatapos na ang season ay ang Yan Ang Morning. Parang after the guesting of Kris Aquino, walang bagong ingay na narinig sa show na ito.

Mananahimik na ba ito soon?

***

Gaano katotoo na may office na si Claudine Barretto sa Viva?

Nasa production na rin daw siya ng shows. Ngayong wala na ang Viva sa TV5, at hindi na ni-renew si Claudine sa GMA 7 at di na nasundan ang kanyang short stint sa ABS-CBN, mukhang logical move na mag-concentrate na siya sa Viva productions at mapanood pa rin kahit sa cable TV nila.

***

Unang sumalang sa online concert series ng GMANetwork.com na Playlist si Gabbi Garcia.
Feel na feel ni Gabbi ang pag-awit ng kantang Pag-ibig ng Spongecola.

Tingin niya ay nababagay ito sa kanyang role bilang Sang’gre Alena sa Encantadia.

“Yung song is good vibes lang. [It’s nice to listen to] pagka-in love ka, good vibes ka, masaya ka…

“Kung irerelate ko siya sa ‘kin… ako kasi, I’m a happy person. Lahat ng makikita ko is ginagawa ko siyang positive.

“I see the brighter side,” aniya.

Tuwing Miyerkules ang pag-upload ng mga bagong videos ng iba’t ibang Kapuso celebrities sa Playlist ng GMANetwork.com.