In fairness ay ang saya ng audience sa red carpet premiere ng pelikulang “D’Ninang” at benta ang mga pakuwela ni Ai Ai delas Alas.

Ninang o lider-lideran ng mga magnanakaw ang role dito ni Ai Ai na si Ditas, na medyo nawindang ang buhay nang dumating ang inabandona niyang anak na si Mikhai na malayo ang loob sa kanya.

Si Kisses Delavin si Mikhai, na gustong maging abogado at galit sa magnanakaw, hindi niya alam na nabubuhay sa pandedekwat ang kanyang ina.

Medyo kakaiba ang atake rito ni Direk GB Sampedro sa comedy, na hindi slapstick kundi mas realistic at kaswal lang ang mga patawa’t batuhan ng punchline.

Si Ai Ai, kadalasan ay parang puro ad lib ang hirit kaya mas natural at hindi pilit ang datingan ng pagko-comedy.

Minsan ay may mga simpleng banat ang Comedy Queen na ang lakas ng tawa ng audience. May eksena pang nag-aksyon-aksyon siya at laugh trip ang pagka-action star niya.

Okey naman sina Ai Ai at Kisses bilang mag-ina, lalo na ‘pag minamalditahan ni Mikhai si Ditas dahil sa mga pagkukulang nito sa kanya.

Si Ai Ai ay ang bilis mag-shift from funny to dramatic scene at sumabay din naman si Kisses.

Kilig-kiligan ang mga fans kina Kisses at McCoy de Leon, na nagkasabay lang na sumabit sa jeep ay nagkamabutihan na agad.

Ang lakas ng tilian sa swit-switan moments nina Mikhai at Kali. In fairness ay ang charming ni McCoy as Kali at havey ang mga hirit niya, pati mga pakyut niyang pickup lines.

Base sa mga hiyawan at tilian nu’ng premiere ay tila puwedeng i-push ang McKiss tandem.

Revelation sa movie ang baguhang young star na si Angel Guardian, na ang ganda ng role dito bilang anak-anakan ni Ninang Ditas na si Sol.

Nagkaroon ng selosan ang tunay na anak at anak-anakan, na in fairness ay makikisimpatya ka kay Angel bilang Sol kahit pa pitikera ito ng celfone, wallet at kung anik-anik pang madedekwat.

Maganda ang rehistro ni Angel sa big screen. Mala-Barbie Imperial ang boses niya and for a first timer sa pelikula ay promising ang tisay na dalaga.

Ang young actor na si Kelvin Miranda (na bida sa “Dead Kids” ng Netflix) ay pasulpot-sulpot lang dito bilang si Buchoy na bet pormahan si Sol pero lagi itong tablado.

May kanya-kanya ring aliw moment sina Lou Veloso bilang Lolo Medy at Kiray bilang Lorena na mga kapuwa tirador ni Ninang Ditas.

Ngayon ang showing sa mga sinehan nationwide ng “D’Ninang” na pambuena-manong handog ng Regal Films sa 2020.

Yassi, Julia dawit sa hiwalayang JaDine

Gutay-gutay at durog na durog sa social media ang younger sister ni Yassi Pressman na si Issa Pressman dahil sa pagkakadawit nito sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre.

Naka-disable ang comments sa mga recent post ni Issa sa Instagram kaya hindi ito makuyog doon ng nagngingitngit na JaDine fanatics.

‘Yung ibang post naman ay limited to friends lang ni Issa ang puwedeng mag-comment kaya hindi pa rin makalusot ang bashers.

Si Issa ang tinuturong ahas na umagaw umano kay James mula kay Nadine. Pati ang ate ni Issa na si Yassi ay dawit din sa isyu dahil enabler daw ito, naturingang dati itong close friend ni Nadz.

Minsan, ang mga faney ay naghahanap na lang din ng masisisi porke naghiwalay ang mga idolo nila.

Hirit nga ng isang netizen, “Stop dragging other people into the JaDine breakup just because you need someone to blame.

“Nadine is very beautiful and smart, do you think she would issue a joing statement with James if James cheated on her??? Jusko, pati si Yassi dinadamay at bina-bash!”

Meron ding iba na pati sina Julia Baretto at Gerald Anderson ay dinadamay sa isyu.

May pic kasi na magkasama sina Issa at Julia at ang caption dito ng ilang fans ay, “Birds of the same feather flock together”.

Si Gerald naman daw ang ‘King Cheater’ at si James ang pinasahan nito ng baton sa pagiging chickboy. Kalerky!

Bago na-link kay James ay naging girlfriend si Issa ni Derrick Monasterio.

After Derrick ay naging issue ang pagiging bisexual ni Issa dahil inamin nito ang pakikipagrelasyon sa singer na si Marga Bermudez.

Ngayon ay balik-boylet ulit ang sister ni Yassi after nitong makipag-girlfriend kung totoo ngang may something sila ni James.

Ibig sabihin ay fluid ang sexuality ni Issa at hindi ito namimili ng gender basta nainlab. Fierce, ‘di ba?

‘Sabagay, hindi na kagulat-gulat ‘yon sa panahon ngayon dahil my gosh, 2020 na! ‘Di ba, Nadz?!

PAK!!