NI:VINIA VIVAR
Kahit maraming nali-link kay Darren Espanto at naka-tatlong girlfriends na, nanatiling biggest crush pa rin niya si Sarah Geronimo noon at ngayong may asawa na ito.
Kahit noon pa raw na sumali siya sa The Voice Kids kung saan nga naging coah si Sarah ay ina-admire na niya ito.
“I grew up watching her din like when she would host Little Big Stars, saka ang dami niyang nagawang teleserye na rin, so, nasubaybayan ko siya, especially sa ASAP of course.
“And then, nun’g nakita ko siya sa blind audition ng The Voice Kids, nun’g umikot siya, sobrang ‘oh my gosh, she’s right there!’ alam mo ‘yun?” kwento ni Darren in his recent video interview sa vlog ni Robi Domingo.
“Tapos, when she hugged me, nag-beso siya sa akin, tapos ‘yung kissmark niya andito (pointing at his neck), talagang hindi ko. . .hanggang Canada, dala-dala ko ‘yung kissmark ko na ‘yun from my blind audition,” patuloy pa niya.
Hindi raw niya talaga binasa ‘yung part na hinalikan ni Sarah. Ganu’n katindi ang admiration niya kay Popstar Royalty.
At hanggang ngayon daw ay kinikilig pa rin siya pag magka-duet sila sa isang production number or kahit simpleng pagkausap lang nito sa kanya sa backstage.
“When I greet her on my birthdays, ‘yung mga replies niya sa mga text ko,” sey pa ni Darren.
At ngayong kasal na nga si Sarah kay Matteo Guidicelli, ani Darren ay masaya raw siya para sa kanyang biggest celebrity crush at bilib raw siya sa pagmahahalan ng dalawa.
“I love their relationship talaga. It’s very strong and it’s something that I’d also want to have in the future. Kasi talagang they’re very inseparable. I love those two (Sarah and Matteo),” sabi ni Darren naman in an interview with the entertainment press at Beautederm’s presscon kung saan nga ay isa na siya sa Ambasssadors.
So, idol ba niya si Matteo pagdating sa love at ipaglalaban din ba niya ang magiging girlfriend sakaking tutol sa kanya ang parents nito?
“For me, I think, it’s very important din po na may relationship ka rin sa parents of the girl, and ‘yun ng apo, para sa akin, unang ligawan mo ‘yung magulang niya kasi, of course, magkakaroon din ng influence ‘yung magulang sa pagdesisyon. Of course, hindi lang po siya dapat ‘yung magdesisyon sa mga bagay na ‘yan,” sabi ni Darren.
Sa ngayon ay wala raw siyang love life at kahit nali-link siya sa anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Cassy , aniya ay friends lang daw sila’t mga bata pa naman daw sila para isipin ang bagay na ‘yun.
DARREN ISINARA ANG PINTUAN KAY JK LABAJO
Hindi naman kaila sa lahat na parehong nagsimula sina Darren at JK Labajo sa The Voice Kids Season 1 noong 2014 at naging magkaibigan pa even after the competition.
Pero habang lumalaki sila ay unti-unti silang napalayo sa isa’t isa lalo pa nga sila ang pinagtatapat noon. Hangang sa noong 2018 ay ma-involve sila sa Twitter war at hindi naging maganda ang kanilang sagutan na humantong pa sa demandahan.
When asked kung kumusta na ba ang kaso nila ni JK ngayon at kung totoo ba na nagkaroon na ng court settlement sa pagitan nila, ayon kay Darren ay hindi raw siya makapapagsalita tungkol dito.
“As much as I’d like to share a bit of information po, we can’t po, eh. Wala pa po akong pwedeng sabihin, sorry po,” he said.
Hindi na raw sila nagkikita pa ni JK for years now at hindi nga rin daw niya alam ang hitsura nito ngayon.
Hindi na ba sila pwedeng maging magkaibigang muli?
“I feel like, hindi na talaga kasi. . .I mean, in The Voice Kids, we were best friends and then a lot of people started telling me things that he started saying about me, like after a few years na hindi kami nag-uusap.
“So I don’t really know where that came from and why he started doing it. But at the moment, ‘wag na lang din,” he said.
So, isinasara na niya talaga ang friendship with JK?
“Yeah, parte na ng past ko,” sagot niya.
Wala na ba siyang galit o sama ng loob?
“Ako po kasi, I’m very happy with everything that’s been going on in my career. Parang all those things na negative, I don’t like to dwell on it. Kasi, ako po, I have my family, I have all this support of friends that I couldn’t ask for more po talaga.
“So, those things talaga, it’s not something that I really think about and hindi po talaga something to dwell on.”
Pero kung hihingi ng sorry sa kanya si JK, papatawarin ba niya ito?
“Okay na po ‘yun. Kung mag-sorry siya, I’d appreciate it pero wala pa.”
Nang tanungin ulit kung hindi na ba mabubuong muli ang friendship, he said, ‘opo.”
PELIKULA SA KATHNIEL DI NA NASUNDAN
Matatandaang sinubukan na ni Darren ang pag-arte sa pelikulang The Hows of Us with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in 2018. Pero hindi na ito nasundan at nagtatanong na rin ang fans niya kung hindi na ba niya itutuloy ang acting career niya.
Ayon kay Darren, hindi naman sa ayaw niya pero gusto niya raw munang i-develop ang kanyang acting skills.
“Before I try going to another role po sa acting, baka gusto ko po munang sumabak sa acting workshop kasi sa The Hows of Us, hindi po talaga ako nakapag-workshop. Dumiretso ako sa Amsterdam (kung saan sila nag-shoot) agad. And then we started shooting,” aniya.
Kaya kung magkakaroon daw siya ng time, gusto niya munang sumailalim sa acting workshop bago niya ituloy-ituloy ang pag-arte.
“Kasi right now, my focus po talaga is on performing and singing. Pero hopefully, makasabak po ako sa acting workshop. Kasi after The Hows of Us, mayroon din pong dumating na mga ibang opportunities in acting like sa TV, also movies. And pinapapunta rin nila ako sa mga screen tests saka go-sees, so ibang experience rin po siya, eh.
“So, hopefully, makasabak din ako sa acting,” saad pa ni Darren.