ANO ba ang latest sa Maynila Sa Kuko ng Liwanag?

Ito ang musikal na base sa nobelang directed by Joel Lamangan. Well, tila wala na yatang celebrity na magiging Julio Madriaga.

Ang unang napabalitang artista na may musical theater roots pa naman, si Sam Concepcion, umoo na tapos after a day or two, nag-back out.

Hindi raw ikinatuwa ng management team ni Sam ang pag-alis niya sa musikal lalo na’t hindi ito busy at major role pa ang Julio.

Hindi kaya siya ready to do the role o sadyang may iba pang dahilan kaya ayaw niya?

Nag-audition din si Edgar Allan Guzman.

Kaso, ang tagal bago makapaglabas ng desisyon ang pamunuan kaya no choice si kapatid na Noel Ferrer, he begged off on Edgar’s behalf.

Kasi, may commitments na ito na dapat eh mamadyikin niya para lang sa Kuko.

May chika rin na gustung-gusto ni Gian Magdangal na mag-audition, kaso, busy pa ito sa Newsies musical.

Kung walang name star na makukuha, tila kaypalad-palad ni Armand Ferrer dahil may chance na sa kanya na lahat ang performances.

Sa September 27 ang gala night nito sa KIA Theatre kaya ang kanilang rehearsals, todong-todo na.

I-suggest ko kaya si Xian Lim sa musikal bilang Julio? Pwede ring si Matteo Guidicelli. Tutal, pareho silang kumakanta.

Sino kaya sa kanilang dalawa ang pwede at mas bagay sa mapaghamong papel?

***

Ang isa pang musikal, na ngayon ay pelikula na, ang Larawan. Totoo ba ang chika mula sa aking impeachable source na hindi pa sigurado ang producers nito kung isusumite pa nila ang kanilang finished film sa MMFF?

Totoo bang ang kanilang finished script ay isinumite sa MMFF Screening Committee at disappointed sila sa hindi pagkapili nito knowing the fact na sa mga isiulat ng mga Pambansang Alagad ng Si­ning na sina Nick Joaquin at Rolando Tinio galing ang materyal nilang ginawang pelikula?

Sakaling nagbago ang kanilang desisyon at isumite pa rin nila ang kanilang finished film, sapat ba ang isang buwang promo at publicity para ma-curious ang film audiences sa pelikula knowing the fact na may apat na bigating box-office draws na?

Alex at Empoy
Alex at Empoy

At kung hindi sila palarin to be one of the four finished films, kailan pa ipapalabas ang pelikula?

Sa susunod na taon na?

Kung sabagay, tila may paradigm shift sa tastes at preferences ng moviegoing public if we are to believe and make use as an example ang Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy.

Matagal na matagal na rin ito sa boiler room bago nagka-go signal na ipalabas.

Dahil sa positive word of mouth at perfect ti­ming, patok na patok ito sa takil­ya at sa puso ng mga mahilig at nagmamahal sa pelikulang Pilipino.

Nawa’y itong shift na ito ay magtuluy-tuloy para ang Larawan, will get all the love and support they truly deserve.