
HAVEY: Pagkatapos kong mapanood ang pelikulang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha sa gala premiere sa CCP Main Theater, nagkakaisa ang sentimyento ng mga tao na napakanatural at effective umarte ni Moi Bien, ang dating personal assistant ni Piolo na sumali ng reality show at nag-aartista na rin.
Sa mga batuhan ng mga linya nila ng Megastar, hindi nagpahuli si Moi.
Sa kanyang sariling mga eksena, lumutang ang kanyang husay sa timing at simpleng pagpapatawa.
Kaya kung may Empoy na tinatawag na ‘Millennial Leading Man,’ si Moi ang maaaring tanghaling ‘Millennial Leading Lady.’
Naka-P300M na ang AlEmpoy (Alessandra de Rossi + Empoy) movie na Kita Kita na sinasabing topgrossing Filipino indie film of all time (even surpassing the earnings of the epic Heneral Luna).
Puwedeng tumapat diyan at posibleng magsalba sa box-office record ni Piolo Pascual sa takilya after Northern Lights ang possible POIMOI starrer.
Nang i-post ko ang aking mapaglarong ideya, seryoso ako na sana may pumick up ng naisip kong pagsamahin sina Piolo at Moi sa pelikula.
Pagkatapos ng ilang sandali lang ay sumagot na sa akin ang manager at kaibigan nilang si Erickson Raymundo at sinabing, naka-linya na ang project para sa POIMOI loveteam.
Ano sa tingin niyo, ito na kaya ang best and most cost-efficient vehicle for Piolo since hindi pa ganu’n kamahal ang TF ni Moi kung sakali?
Paano na ang Piolo-Toni starrer? Saka na lang siguro ang Juday-Piolo reunion din?
Moi is it — at ibang level na si Moi!
In the meantime, wait and see tayo at malakas ang laban ni Moi sa pagka-best supporting actress sa kanyang Cinemalaya movie.
***
WALEY: Speaking of Cinemalaya, aside from the gala of Sharon Cuneta’s Ang Pamilyang Hindi Lumuluha and Gina Alajar’s Nabubulok, matamlay ang audience attendance (compared to the previous years) sa CCP venues.
Dati kasi, punuan lahat ng venue sa Sentrong Pangkultura Ng Pilipinas. Ngayon, dahil dumami ang Ayala Cinemas na nagpapalabas ng Cinemalaya films, doon na nagpupunta ang mga viewers dahil may kalayuan ang CCP.
Kung gusto, gagawan ng paraan. Bakit parang naging optional na ang pagpunta ng mga tao sa mismong venue ng Cinemalaya na dati rati’y kanilang dinudumog?
Also, early reviews and critiques show that the quality of the entries leaves much to be desired.
Maraming nagtatanong sa mismong nakapanood na, paano nakapasa ang entry na ito? (Lahat naman yata eh ganu’n, pero sa huli’t huli, iba’t ibang pamantayan ‘yan.)
I want to get your sentiments on this, and we shall discuss this at length on my radio program this weekend.
Kudos to some of the few films that have earned rave reviews na ang pinaka-consistent ay ang Respeto ni Treb Montreras and somehow ang Kiko Boksingero ni Thop Nazareno.
Sa katunayan, mas maraming magandang feedback sa Short Films this year.
BUT, I want to ask: is Cinemalaya no longer the PRIORITY of our indie filmmakers?
Does the meager grant/subsidy have something to do with this? (Kasi, karaniwan nang sinasabi na masyadong maliit ang P750K na subsidy at napakahirap makahanap at makabawi ng prospective co-producer kahit na sa P3M buy out pagkatapos ng Cinemalaya).
The other festivals like Cinema One Originals and QCinema are reportedly giving more.
Or has the selection process ceased to be relevant? (Parang Metro Manila Film Festival lang ba ito?)
IS CINEMALAYA STILL THE PREMIERE INDEPENDENT FILM FESTIVAL IN THE COUNTRY? O naapektuhan na siya ng Law of Diminishing Returns?
***
WEHHHHH: Coming from Cinemalaya, nakikiramay kami sa mga naiwan ng kilalang character actress na si Zeny Zabala na mother-in-law pala ng Cinemalaya President na si Laurice Guillen.
Sumakabilang-buhay siya noong Martes at the National Kidney Institute sa edad na 80.
Born Emerenciana Ortiz Santos in 1937, Zabala was best known as an antagonist in films produced by the now defunct Sampaguita Pictures during the 1950s and 1960s.
Kasama ng Primera Kontrabida Bella Flores, Tita Zeny made her mark on the big screen bilang nagpapahirap sa buhay ng Sampaguita leading ladies like Lolita Rodriguez, Gloria Romero, Rita Gomez, Barbara Perez, Susan Roces, and Amalia Fuentes.
Mula sa amin dito sa Abante TONITE, ang aming taos pusong pakikiramay, habang ipagpapatuloy ng aming mga kapatid na Jun Lalin at Alwin Ignacio ang Zeny Zabala Legacy ng katarayan!
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.