Nang makalapag sa ‘Pinas kahapon, Oktubre 6, 2019, nagmamadaling makauwi si Pangulong Rodrigo Duterte dahil tinamaan ng dengue ang kanyang bunsong si Veronica “Kitty” Duterte.

“I have to go see Kitty. She has dengue. But she is already on the safe level,” ani Duterte sa Philippine Star.

Galing Moscow, Russia ang Pangulo, samantalang nagpunta ng Germany ang partner nitong si Honeylet Avanceña para sa isang aktibidad kasama ang Department of Trade and Industry.

Nagkaroon ng dengue si Kitty kahit pa binalitang binakunahan ito, kasama ang apo ni Duterte na si Sabina, ng Dengvaxia noong 2018.

Taong 2017 nang sabihin ng manufacturer ng Dengvaxia, ang Sanofi Pasteur, na mas delikado ang magiging lagay ng mga binakunahan pero hindi pa nagkaka-dengue.