KKD atat nang humambalos

Inip na, hindi na makapaghintay pa si Philippine SuperLiga (PSDL) star Kim Kianna ‘KKD’ Dy na muling makapaglaro ng indoor volleyball.

Napilitang kanselahin ang 8th PSL Grand Prix 2020 eliminations dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) na pinatupad sa Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Halos lahat rin ng sports events sa buong mundo ay naudlot o nasuspinde dahil sa pandemic outbreak na nag-ugat sa Wuhan, China.

Sa Instagram ng 24-anyos, may taas na 5-11,tubong Maynila, at opposite hitter/middle blocker ng F2 Logistics Cargo Movers, isang throwback picture ang ibinahagi niya, iniwanan pa ng mensahe sa lubhang pagka-miss sa sport.

“This is the longest I haven’t played volleyball. I just miss everything … training, my teammates, coaches, sweating like crazy, the excitement when its time for 6 on 6 (and cool down LOL) & even one man drills 😩😢 can’t wait to play again… sepanx is real,” litanya ni Dy. (Janiel Abby Toralba)