Klasmeyt muling binugbog ni ‘PacBoy’

Muling nagpakitang-gilas ang anak ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao na si Jimuel matapos maka-rematch ang dating napabagsak noong Pebrero.

Sa kuhang video, makikita ang bakbakan ni Jimuel, tinaguriang PacBoy, at kanyang kaklase na si Lucas Carson kung saan nagpakawala ng malalakas na haymaker ang panganay ng pamilya Pacquiao.

Nanood din ang dyowa ni Jimuel na si dating Pinoy Big Brother housemate Heaven Peralejo na nagtsi-cheer pa sa sidelines.

Pumanig ang mga hurado sa nakababatang Pacquiao sa laban na tumagal ng tatlong rounds, ngunit matapos ang anunsyo ng resulta ay halata ang pagkadismaya ni Carson, na noon ay natalo na kay Pacquiao via second round knockout.

Ito ang ikatlong panalo ni Jimuel sa amateur at semi-amateur bout, matatandaan na inihayag na ang kagustuhang sundan ang yapak ng kanyang ama sa mundo ng boxing na target ay makapasok sa Olympics.

“Actually, I want to pursue boxing. I want to be an amateur and one day represent my country in the Olympics. I want to create a name for myself,” dating pahayag ni Jimuel sa panayam sa Manila Times. (Ray Mark Patriarca)