Klea nang-aagaw ng atensyon

Palaban na si Klea Pineda sa bago niyang serye na “Magkaagaw”.

“Oo naman! Yes,” sambit niya sa mediacon ng nasabing serye. Kita rin na agaw atensyon ang bago niyang imahen na mas daring at mapangahas siya.

Tinanong nga siya kung may naramdaman siya sa love scene nila ni Jeric Gonzales. Aminado siyang ramdam niya si Jeric sa bawat scene nila.

Nagki-care daw sila sa isa’t isa.

Malaki rin ang pasasalamat ni Klea sa malaking proyekto na ibinigay sa kanya ng GMA mula nang manalo siya sa “Starstruck”. Never daw niyang naramdaman na neglected siya ng Kapuso network. Ever since ay naaalagaan daw siya.

“May kanya-kanya naman po kaming time. May kanya-kanya kaming preparation na ibinibigay sa amin. Nandito lang kami po para alagaaan ang aming career. At mas galingan namin ang mga roles na ibinibigay sa amin,” deklara niya.

Bahagi pa rin ng dream niya na sumali sa beauty pageant. Hindi raw nawawala ‘yun.

Pero kung anong proyekto ang nasa harapan niya ngayon, doon muna siya magpo-focus. (Roldan Castro)