Kinamada ni Giannis Antetokounmpo ang pangatlo niyang triple-double ng season, pero inari ng kapatid na si Thanasis ang highlight sa dambuhalang panalo ng Milwaukee kontra New York.
Napabilib ang reigning MVP sa nag-iisang basket ng kapatid, ang kinaliwang follow slam sa fourth quarter.
“That was amazing. That was a crazy dunk,” ani Giannis. “He came out of nowhere.”
Nagsumite ang Greek Freak ng 22 points, 11 rebounds at 10 assists at sinagasaan ng Bucks ang Knicks 123-102.
Pasok ang unang anim na 3-pointers ng Milwaukee (26-4) para ihulma ang maagang lead na bumuka sa 29.
Selyado na ni Antetokounmpo ang triple-double sa third sa loob lang ng 23 minutes.
Pero nang dumikit ang Knicks sa fourth, ipinasok din siya kasama ng iba pang starters para siguruhin ang panalo.
Naka-walong tira lang si Antetokounmpo, pasok ang walo.
Nagdagdag si Khris Middleton ng 23 points, may 17 si Kyle Korver sa Bucks. (VE)