Knicks, Warriors, Lakers $4B bawat isa

Nangungulelat sa NBA ang 12-42 record ng Golden State Warriors sa kasalukuyan, pero may consolation prize sila galing sa latest rankings ng halaga ng NBA teams.

Base sa listahan ng Forbes, nagkakahalaga ng estimated $4.3B ang Warriors, kumita ng $440M sa nakalipas na 12 months bago ang February 2020.

Tatatlong teams lang sa NBA ang nagkakahalaga ng $4B, base sa Forbes.

Isa pang napagtatalong team, ang New York Knicks, ang pinakamataas ang halaga sa lahat ng NBA franchises – nakakalulang $4.6B.

Pang-13 sa East ang Knicks (17-37), 2013 pa ang huling ­appearance sa postseason.

Pumapangalawa ang Los ­Angeles Lakers sa $4.4B. Top seed sa West ang Lakers sa 40-12.

Iilang prangkisa lang sa apat na major sports sa US ang nagkakahalaga ng higit $4B.

Pinakamataas ang value ng Dallas Cowboy sa NFL na may estimated worth na $5.5B. Tinatayang nasa $4.1B ang halaga ng New England Patriots.

Isang team lang mula MLB ang nasa $4B club – ang New York Yankees na may estimated value $4.6B. (Vladi Eduarte)