KNIGHTS LUHOD SA LIONS

Nakahanap ng sasandalan ang San Beda College Red Lions matapos mawala sa kanilang roster ang pambatong sentrong si Donald Tankoua.

Pakitang-gilas si Benedict Adamos, binuhat ang Red Lions par­a igupo ang defending champion Letran Knights, 83-71, kahapon sa 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena­ sa San Juan kahapon.

Nagkaroon ng injur­y sa tuhod si Tankoua at hindi na makakalaro sa natitirang laban ng San Beda ngayong season kaya nagkaroon ng pagkakataon ang 6-foot-6 na si Adamos na ipakita ang talento.

Tumikada ang rooki­e transferee mula sa TIP ng career-high 18 points, nine rebounds at six blocks para ilista ng Red Lions ang 11-2 card at masolo muli ang liderato.

“We have 15 players, if we lose one, the remaining players should step up and it was a collective effort,” saad ni San Beda coach Jamike Jarin. “But I got to give credit to him (Adamos) for coming out big.”

Sigurado na ang panalo para sa Red Lions nang matawagan ng offensive foul si Bong Quinto ng Letran na naging sanhi ng girian kasama ang teammate na si Jerrick Balanza at si Jomari Presbitero ng San Beda may 7 seconds na lang sa orasan.

Namuno sa opensa ng San Beda si Fil-Am Davon Potts na may 23 points, nag-ambag ng 17 si Javee Mocon.

Pinangunahan ng 18 at 17 nina Jomari Sollano­ at Bong Quinto ang Knights (5-7).

Samantala, sinilat ng San Sebastian College Stags ang Mapua Cardinals, 69-67, sa unang laro, pinasabog ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang Lyceum of the Philippines Pirates, 68-58.