KNIGHTS SINAKYAN NG CHIEFS

Sumakay ang Arellano University Chiefs sa 83-74 pagpapadapa sa defending champion Letran Knights para lumapit sa asam nilang twice-to-beat incentive sa Season 92 ng NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Kumalawit si Jio Jalalon ng 22 points para siguruhin ng Chiefs ang slot sa Final Four at upuan ang top spot kalong ang 12-3 mark.

Nasakmal din ng San Beda ang pang-12 panalo matapos ang tatlong subok nang ambusin ang Lyceum Pirates, 89-73, sa unang game.

May kartang 12-4 ang last year’s runner-up na Red Lions at swak na rin sa top four kagaya ng Arellano.

Kaya paniguradong pupuntiryahin naman nila ang top two para masiguro ang twice-to-beat advantage sa semifinals.

Lumapa si Arnaud Noah ng 22 points, nagtala sina Fil-Am Davon Potts, Amiel Soberano at Jayvee Mocon ng 19, 17 at 12 ayon sa pagkakahilera para ihatid ang Red Lions sa 11th straight Final Four appearance.

Sumemplang ang San Beda sa huli nilang laro kontra Jose Rizal U, 88-97.

May barahang 8-8 ang Knights habang 5-11 ang hawak ng Pirates.

Sa unang laro, nangailangan ng dalawang overtime ang Perpetual bago naipagpag ang JRU, 89-80. Sa 11-4 karta ay naniguro ang Altas ng playoff para sa isang puwesto sa F4.