Mga laro ngayon (FilOil Arena, San Juan)
8:00 a.m. — AU vs. Perpetual (jrs)
10:00 a.m. — JRU vs. EAC (jrs)
12:00 noon — AU vs. Perpetual (srs)
2:00 p.m. — JRU vs. EAC (srs)
4:00 p.m. — Letran vs. SSC-R (srs)
6:00 p.m. — Letran vs. SSC-R (jrs)

Tumatama na sa target ang Letran Knights matapos sibatin ang pangatlong sunod na panalo noong Biyernes.

Puntiryang tuhugin ang pang-apat para palakasin ang kapit sa third spot, haharapin ng Knights (4-3) ngayon ang San Sebastian College sa 93rd NCAA basketball tournament sa FilOil Arena sa San Juan.

Nasa tuktok ang Lyceum of the Philippines (7-0) kasunod ang defending champion San Beda College (6-1).

Pipilitin din ng Stags na kumapit sa third spot, may 3-3 baraha sila matapos ang dalawang sunod na panalo kabilang ang pagmasaker sa College of St. Benilde 101-71 noong Biyernes.

Inaasahan ni Letran coach Jeff Napa na mapipiga sila para makuha ang pinag-aagawang panalo.

“San Sebastian is a physical team and likes to ­really run so it’s going to be tough,” aniya.

Magkakaldagan ang Arellano University at Perpetual Help sa unang laro ng seniors division.

Parehong may 2-4 records ang Chiefs at Altas.

Babangon ang Emilio Aguinaldo College matapos ang heartbreaking 97-93 defeat sa Pirates, kabanggaan ng Generals ang Jose Rizal University.

May tsansang makuha ng Generals ang panalo sa Lyceum pero nagkumahog sa bandang huli kaya nalasap ang pangatlong talo sa anim na salang.