Umeksenang muli si Jaycee Marcelino na tinik sa lalamunan ng Letran Knights tapos balikatin ang Lyceum Pirates sa 97-90 win sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament second round eliminations Biyernes ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Nagposte si Jaycee ng career-high 25 points para pang-apat na ragasa at palitadahan ng LPU ang segundo sa 10-3 win-loss, sinalya ang CSJL sa 9-5 sa pagkatengga sa tersero sa 10-team cagefest.
Naka-24 markers si Jaycee nang yurakan din ng Lyce ang kapitbahay sa Intramuros na biktima sa first round nitong Hulyo 7, 84-40.
May krusyal ding ayuda sa mga alipores ni Michael ‘Topex’ Robinson si Cameroonian Mike Nzuesseu na may 16 pts. at 9 board at naka-20 puntos na si Reymar Caduyac.
“We just have to always make sure we focus on the game na may control kami and that is our mind set to the game,” bulalas ng Pirates coach Topex Robinson sa dikdikang labanan. “We just didn’t give up, we have so much respect for Letran and we always wanna make sure we’re gonna honor this game. It’s always been good to us.”
Wala nagawa ang 20 pts. ni Kurt Reyson para sa Knights.
Sa likod naman ng 18 pts. ni Kent Salado nakapaghimagsik ang Arellano Chiefs (4-15) sa 1st round tormentor Benilde Blazers (6-7).
At nagsanib ng 32 pts. sina Kriss Gurtiza at Marwin Taywan upang iuna ang Aguinaldo Generals (2-11) kontra San Sebastian Stags (7-6), 79-75. (Aivan Episcope)
Knights tagpas ulit
kay Jaycee, Pirates