Wala si star player Rey Nambatac pero nasikwat pa rin ng Letran ang unang panalo sa FilOil Flying V Preseason Premier Cup matapos tuhugin ang UST 89-81 sa overtime kahapon sa The Arena sa San Juan.
Dahil sa injury, hindi nakalaro ang kamador ng Knights na si Nambatac.
Nakaipon ng 13 puntos na lamang ang Letran sa regulation pero naupos kaya nakahirit ng extra period ang Tigers.
Umiskor ng limang sunod ang Knights sa pagbubukas ng OT, naging pondo para makuha ang panalo matapos ang limang subok.
“Kahit may injuries mga players lumaban pa rin sila,” saad ni Letran coach Jeff Napa.
Hawak ng Knights ang 72-59 bentahe, nakahabol ang Growling Tigers at naagaw ang manibela 74-75 sa 3-pointer ni Marvin Lee 59.4 segundo na lang sa fourth period.
Naitabla ng Letran ang iskor sa 75-all sa split free throws ni Jerick Balanza 8 seconds sa orasan.