Isa lang ang goal ngayon ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao, ‘yun ay ang ma-knockout si Adrien Broner sa kanilang paghaharap para sa pagdepensa ng kanyang WBA welterweight title sa Enero 19 sa Amerika.

“I am not making a prediction but my goal is to knock out Broner,” sabi ni Pacquiao sa mga reporter habang naghahanda para sa kanyang workout.

“I have to maximize the opportunity. I forgot how much fun winning a fight by knockout was until I stopped Lucas Matthyssee last summer to win the WBA welterweight title.”

Inamin ni Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) na mas magugustuhan ng boxing fans kung mapapabagsak niya si Broner (33-3-1, 24 KOs) at wala aniya siyang masamang tinapay kay Broner pero naniniwala ito na purong business lamang ang laban.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagsasanay ng kampo ni Pacman sa Wild Card mula nang magsimula nung Christmas Eve at hindi aniya ito nahinto dahil sinalubong niYA ang Bagong Taon sa pagtakbo at sa 12 rounds ng mitts.

“He runs like a deer. No one can keep up with him. That’s the secret to his success — his work ethic and his stamina. He has the strongest foundation of any fighter with whom I’ve worked,” sabi ni conditioning coach Justin Fortune.

Ayon naman sa head trainer ni Pacman na si Buboy Fernandez, maganda na aniya ang pinapakitang kondisyon ng kanyang amo ngayon at sa lahat ng aspeto, gaya ng footwork, distance at angulo.