KOBE BRYANT DAY SA LA

koby-bryant-day

Nami-miss na agad ng Los Angeles si Kobe Bryan­t na nakasuot ng Lakers jersey.

Dahil dito ay tumulong ang L.A. City Council sa fans na nakaka-miss sa Black Mamba, inianunsyo ang Kobe Bryant Day nu’ng Miyerkules – Agosto 24, bilang paggunita sa da­lawa niyang ginamit na mga numero sa pagba-basketball.

“Among his asto­nishing list of accomplishments, Kobe Bryant’­s 20-year career with the Los Angeles Lakers ranks him No. 1 all-time for NBA pla­yers who played for a single franchise, and ‘Kobe Bryant Day’ is the City of Los Angeles’ way of thanking him for his single-minded dedication to excellence, the fans and the entire City and region of Los Angeles,” pahayag ni L.A. City Councilman Huizar.

Ginanahan ang kareretiro lang na si Bryant sa pagkonsidera sa kanya na maging pulitiko na saktong inilapit sa kanya ng dati ring Lakers star na si Kareem Abdul-Jabbar, nagsabi sa TMZ na sa palagay niya’y dapat ding may mga atletang tumakbo sa public office at isa si Bryant sa mga malaki ang potensyal.

May campaign ma­nager agad si Bryant sakaling kumandidato — si Magic Johnson.

Binanggit ng Dodger­s owner sa TMZ din na susuporta siya sa Bryant $100 million venture capi­tal fund, na sisimulan ni Jeff Stibel sa linggo.