Hinahambing si Kevin Durant kay LeBron James na astig na basketbolista sa kasalukuyang National Basketball Association.

Para sa mga tagasunod ni KD, ang pamatay nitong three point shooting ang naglalagak sa kanya sa karangalan. Pero sa mga fan ni James, ang presensya nito sa court ang nagdidiing siya ang kasalukuyang maangas na cager sa mundo sa ngayon, at maaring sa lahat ng panahon.

May katagalan na rin ang debate kung sino kina Michael Jordan at James ang greateast player of all time. Pati ang NBA fraternity hati sa kanilang mga opinyon.

Ilan ang mga nagsasabing ‘di pa kahigpit ang depensahan noon sa panahon ni Jordan. May mga naggigiit na hindi na matatawaran anila ang mga tagumpay at pangkahalatang lakas ni Jordan.

Pero para kay Durant, na pumupuntirya rin ng GOAT spot, dapat ding mahanay si Kobe Bryant sa cut sa GOAT dahil sa pambihirang nagawa sa Lakers.