NAKAPILI na si ­Kobe Paras ng D1 school na pag-aaralan niya at ipagpatuloy ang kanyang pagti-training ng basketball.

Naikuwento ito ni Benjie Paras pagbalik niya galing Amerika na kung saan tinulu­ngan niya si Kobe na maghanap ng school na malilipatan pagkatapos ng pagtanggi sa kanya ng UCLA.

Ayon sa aktor, itutuloy na ni ­Kobe ang pag-aaral niya sa Creighton ­University sa Omaha, Nebraska.

Ipinost na rin ni Kobe sa ­Instagram ang kuha niyang naka-sando ng ­Creighton at may caption na “I rock CU blue on these…”

Pahayag ni Benjie, “Itong napili ­namin, kasi ang nag-decide dito ‘yung coach niya dati sa high school, si Coach Middlebrooks.

“Miniting niya kami, kina­usap niya kami and lumabas du’n sa mga pinunta­han naming mga schools, ‘yung Creighton ‘yung mas magandang opportunity for him.”

Naapag-adjust daw agad si Kobe at ­nakita raw niyang puspusan ang pag-eensayo ng kanyang anak at pag-focus sa pag-aaral.

Ilang linggo ring tumigil doon si Benjie para ­mabantayan si Kobe.

Tiniyak muna niyang okay na ito bago ­siya ­bumalik ng bansa, at ituloy ang taping niya sa bagong drama series ng ABS-CBN 2 na The ­Promise of Forever.

Pagdating sa lovelife ni Kobe ay ­hindi na raw niya ito pinakialaman. ­Hindi na raw niya inalam kung tuloy pa rin ang relasyon nito kay Gabrielle ­Current o nag-break na sila. Ang mahalaga ay ­nakita raw niyang naka-focus ang ­kanyang anak sa pag-aaral.

“Hindi ko alam sa kanila ­actually. Nung time kasi na ‘yun naka-focus ­kami dun sa school eh.

“Ako hindi na ako nagtatanong. ­Ayoko na dagdagan ‘yung isyu. Sa akin naghiwalay kaming ­masaya,” sagot ni ­Benjie nang tinanong namin tungkol sa lovelife ng bagets.

Tingin daw niya ­naging blessing in the disguise pa ito dahil mas okay na nga raw ngayon ang kalagayan ni Kobe.

“Ang sa akin lang, ang natutunan namin ­pareho we need to be careful in whatever things we’re going to decide on.

“Kailangan maging extra careful kami. ‘Yung nangyaring ‘yun isang lesson sa aming lahat.

“So ngayon ‘yung handler niya mas naging maingat,” saad ni Benjie.